top of page

Ang Salesman (M2M STORY)

Updated: 15 hours ago


After several encounters ko with guys dahil sa pag-inom ko ng kape sa coffee shop na paborito ko ay muling natagalan ang pagbisita ko doon. Nadestino kasi ako sa Davao ng ilang buwan matapos ang hiwalayan namin ni Diego. Subalit ng minsan maglakad-lakad ako sa mall ay hindi ko napigilan ang aking mga paa na lumakad patungo sa paborito kong coffee shop.


M2M STORY, TAGALOG GAY STORY

Wala na ang interest kong makakilala pa ng bagong guy. Nais ko lamang matikman ang nabalitaan kong bagong klaseng kape doon. Tulad ng dati marami ng tao dahil uwian na ng mga nag-oopisina. Matapos mabayaran ang na-order kong kape ay naupo muna ako habang hinihintay kong tawagin ang aking pangalan.


“Sir Carl, your order is ready.” ang malakas na binanggit ng staff sa may counter.


Agad akong tumayo at kinuha ang aking order. Muli akong naupo pero hindi na sa una kong inupuan. Nakahanap kasi ako ng isang mesa sa isang sulok ng coffee shop na iyon para wala gaanong makakapansin sa akin. Ilang minuto pa lamang akong nakakahigop ng aking kape ng biglang may tumawag sa aking pangalan.

“Sir Carl, ikaw ba yan?” ang tanong sa aking ng isang gwapo at matipunong lalaki na naka-polo barong na puti.


“Yes.” ang unang katagang nabanggit ko.


Medyo natagalan ng ilan pang segundo bago ko naalala kung sino ang lalaking tumawag at lumapit sa akin.


“Ah……. Are you Dave?” ang tanong ko naman sa kanya.


“Yes sir. Ako nga. Kumusta na kayo?” ang tugon at tanong na rin ni Dave.


“Okey naman ako. I just arrived from Davao the other day. Matagal din akong nawala dito sa Manila.” ang tugon ko naman.



“Pero doon ka pa rin ba sa dati nagtatrabaho?” ang tanong na naman ni Dave.


“Oo naman. Napag-utusan lang ako na tutukan yung isang project namin Davao.” ang tugon ko naman.


“Oo nga pala. May project na kayo doon.” ang nasabi naman ni Dave.


“Last year pa iyon actually. Kaya lang maraming naging problema sa design. Papalit-palit ng isip ang owners. Kaya ngayon pa lang full blast ang construction doon.” ang dugtong ko pa.


“Kaya pala hindi ko pa nababalitaan ang grand opening ng resort na iyon.” ang nasabi naman ni Dave.


“Mga summer next year na siguro yun matatapos. Next month nga ay babalik muli ako doon.” ang nabanggit ko naman.


“O ikaw kumusta ka na? Nasaan ka na ngayon connected?” ang mga tanong ko kay Dave.

“Nasa sales pa rin ako pero sa isang real estate company na. Mga condominium units ang binebenta namin.” ang tugon ni Dave. “Baka gusto mong bumili Sir Carl?” ang tanong pa niya.


“Ikaw naman. Alam mo naman na may bahay na ako sa may QC. Aanhin ko pa ang condominium?” ang pagtanggi ko sa alok ni Dave.


Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin ni Dave tungkol sa work nya at sa pinagkakaabalahan ko na rin. Nag-iisa din lamang sa Dave ng pumunta sa coffee shop na iyon kaya kaming dalawa lamang ang nag-share sa table. Si Dave ay isa sa mga na-train ko noong pumasok siya sa sales ng kumpanya namin. Matangkad, gwapo at matipuno ang pangangatawan niya kaya naman hindi siya nakaligtas sa aking attention noong nagte-train pa lamang siya. Siya rin kasi ang pinakamausisa sa batch nila. Dati akong part ng training group ng kumpanya kahit sa technical department ako naka-assign. Binibigyan ko kasi ang mga sales people ng background at update sa technical aspect ng mga materyales na sinusupply namin sa mga project na hawak namin.



“Ang laki na siguro ng kita mo? Ang gaganda at ang dami na ng mga project na binebenta nyo.” ang tanong ko sa kanya.


“Okey lang naman sir. Kailangan kasi sir. Medyo kinadena na ako ng syota ko at pakakasal na kami.” ang tugon ni Dave.


“Ganoon ba. Mukhang masama ang loob mo na magpakasal.” ang biro ko kay Dave.


“Medyo.” ang sagot naman niya.


“Bakit naman?” ang tanong ko na naman.


“Alam nyo na sir. Syempre kapag kasal na ako, tiyak matitigil na ang pagiging chick boy ko. Bawal na tumingin sa ibang babae.” ang tugon ni Dave.


“Okey lang yun. At least may rerenda na sa iyo. Hindi puro kalibugan ang nasa isip mo. Hanggang ngayon pa ba ay dala-dala mo pa rin ang pagiging kilabot ng mga babaeng kaopisina mo sa bago mong kumpanya?” ang tanong ko sa kanya.


“Kasalanan ko ba na ipinanganak akong ganito.” ang pagyayabang ni Dave na alam ko naman na biro lamang niya iyon dahil kahit papaano ay kilala ko na rin siya.

“Sa totoo lang, pumatol ka na ba sa isang bading? Pati yata sa bading ay pumapatol ka na rin ah.” ang tanong ko sa kanya.


“Secret ko na iyon sir.” ang tugon ni Dave na may kakaibang ngiti sa pisngi.


“Sa ngiti mong iyan, alam ko na pumatol ka na rin.” ang biro ko muli sa kanya sabay tawa.


“Bakit sir? Siguro type mo rin ako kaya gusto mong malaman ah.” ang biro naman ni Dave sa akin.


“Obvious na ba?” ang biro ko sa kanya.


“Kayo naman sir, eh ang bagal nyo. Noong trainee pa lamang ako, sana nagparamdam na kayo. Eh sana kayo ang nakauna sa akin.” ang nasabi ni Dave sa akin.


“Ganoon! So you mean, meron ka na ngang experience with gay?” ang tanong ko muli.



“Hindi ko sinabi iyo.” ang pagtanggi ni Dave.


“Ito naman ayaw pang umamin. Tayo lang naman dalawa ang makakaalam. Hinding-hindi makakarating sa magiging asawa mo.” ang pagpipilit ko sa kanya.


“Si Sir Carl talaga.” ang tanging nabanggit ni Dave.


“Huwag mo na nga akong tawaging sir. Hindi mo naman ako boss.” ang pakiusap ko kay Dave.


“Ok Carl. Syempre naman meron na rin kahit papaano. Nasa sales yata ako kaya marami akong nakikilalang masyadong agresibo at magaling mag-convince.” ang pag-amin sa akin ni Dave. “Idagdag mo pa dyan ang makalaglag panty na ngiti ko. Sino bang hindi magkukumahog para maikama ako.” ang pagyayabang pa ni Dave sabay tawa.


“Oo naman.” ang tangi kong nasabi kahit medyo nayayabangan na ako sa dating ni Dave.

“Biro ko lang iyon Carl. Baka sabihin mo sobrang yabang ko.” ang pagbawi ni Dave ng mapansin ang expression ng mukha ko.


“Pero meron ka na bang pinagbigyang bading?” ang tanong ko sa kanya.


“Meron na rin. Noong college pa ako. Tapos nasundan nitong nasa sales na ako.” ang pag-amin na ni Dave ng katotohanan.


“Noon pa mang trainee ka pa sa kumpanya namin, medyo nase-sense ko na iyon sa mga ngiti mo sa akin. Kaya lang syempre nakakahiyang magtanong sa iyo. Baka bigwasan mo ako.” ang biro ko naman sa kanya.


“Sana tinanong mo ako ng nabigwasan nga kita.” ang biro naman sa akin ni Dave.



Mas naging masaya pa ang aming kwentuhan sa coffee shop na iyon. Napunta sa kung anu-anong topic ang aming pinag-usapan. Trabaho, ang kanyang napipintong pagpapakasal at ang mga kakaibang sex experiences namin. Hanggang sa magyaya na akong umuwi.


“Mukhang hindi na gaanong matrapik. Sige Dave uwi na ako.” ang paalam ko sa kanya.


“Wait Carl. Daan ka naman muna sa apartment ko. Malapit lang yun dito.” ang paanyaya ni Dave sa akin.


“Bakit anong meron sa apartment mo?” ang tanong ko sa kanya.


“Baka gusto mong uminom kahit isang boteng beer lang.” ang tugon ni Dave.


“Eh di daan na lang tayo sa madadaanan nating bar.” ang alok ko kay Dave.


“Sa apartment na lang. Matagal-tagal na rin ang mga bote ng beer sa ref ko. Yun na lang inumin natin. Sayang eh.” ang pagpupumilit naman ni Dave.


Pumayag na lamang ako sa kagustuhan ni Dave. Pareho namin dala ang aming mga kotse kaya naman nag-convoy kami papunta sa apartment niya upang hindi ako maligaw sa pagpunta doon. Wala pang 30 minutes ay narating na namin ang apartment niya.

“Carl, brother ko pala, si Daniel.” ang pakilala ni Dave sa lalaking hawig sa kanya na nagbukas sa amin ng gate.


“Lahi talaga kayo ng magagandang lalaki ah.” ang bungad ko naman ng binati at kinamayan ako ng kapatid ni Dave.


“Hindi naman po. Si kuya lang po ang gwapo sa aming magkakapatid.” ang nabanggit ng kapatid ni Dave.


“Buti na lang at hindi nagmana sa iyo itong kapatid mo sa kayabangan mo.” ang biro ko naman kay Dave.


“Maniwala ka sa kapatid kong iyan. Numero uno yata yan pagdating sa kalibugan. Pati bading pinapatulan nyan. Kilabot nga yan ng kabadingan dito sa lugar namin.” ang biro naman ni Dave sa kapatid.



“Kuya naman. Baka isipin ng bisita mo na totoo yun.” ang biglang sinabi ni Daniel na tila nahihiya sa akin.


“Joke lang yun Carl. Pero sa totoo lang dami may type na bading dyan sa utol kong iyan. Ewan ko kung may pinagbigyan na yan.” ang bawi naman ni Dave sa biro sa kapatid.


“O nasaan na yung beer na sinasabi mo?” ang tanong ko kay Dave.


“Tol, pakikuha nga sa ref yung beer.” ang utos ni Dave sa kapatid.


Agad namang kinuha at binuksan ni Daniel ang dalawang bote ng beer at iniabot sa amin ni Dave.


“O ikaw magbukas ka rin ng beer mo. May mani pa yata dyan sa cabinet. Pakibuksan at pakilagay sa platito.” ang muling utos ni Dave sa kapatid.


Muling kumuha ng beer si Daniel na para sa kanya at iniayos ang mani sa isang platito at inilagay niya iyon sa maliit na mesa sa harapan naming tatlo. Ilang minuto na kaming nanonood at halos ubos na ang aming beer ng sabihin ni Dave na hindi nya gusto ang pinanonood ng kapatid.


“Ano ba naman yang pinanonood mo Daniel? Walang kwenta. Tara Carl doon tayo na lang sa taas manood at uminom. May TV din ako sa kwarto ko.” ang alok sa akin ni Dave.



Bago kami umakayat sa second floor na kung saan naroroon ang silid ni Dave ay kumuha muna siya ng dalawa pang bote ng beer. Pagpasok namin sa kanyang silid ay agad niyang binuksan ang kanyang TV.


“Dyan ka na sa kama umupo. Magbibihis lang ako.” ang sinabi sa akin ni Dave.


Nagsimulang alisin ni Dave ang kanyang mga damit. Nang brief na lamang ang tanging suot niya ay


This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.


Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.


UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page