top of page

Bank Executive (M2M STORY)


Si Elbert ay isang executive sa isang bank dito sa Maynila. Una ko siyang nakilala noong elementarya pa lamang kami. Bagong lipat sila noon sa aming subdivision at simula noon ay naging magkaibigan na kami. Mga professionals din ang kanyang mga magulang kaya naman lumaki siyang sagana sa lahat ng bagay. Subalit hindi niya inabuso ang kanilang katayuan sa buhay.


Nagsumikap din siyang nag-aral at nakapagtapos na may medalyang inialay sa mga magulang. Matalino siya kaya naman hindi siya nahirapan makapasa sa board exam para sa mga accountant. Dahil sa abilidad ni Elbert ay naging mabilis din ang pag-angat niya sa kanyang profession. Subalit hindi sa lahat ng bagay ay madaling nagtatagumpay si Elbert. Sa larangan ng pag-ibig doon siya tila nahihirapan.



High school kami noon ng magkaroon kami ng sari-sariling syota. Noon pa man ay napapansin ko na bihira tumagal ang relasyon ni Elbert sa kanyang mga naging syota. Mabibilang mo lang sa mga daliri sa iisang kamay ang nalaman kong syota ni Elbert. Tila pihikan siya sa babae.


Sa aking palagay, kapag nakilala na niya ng lubusan ang babae ay tinatabangan na siya dito na nagiging sanhi ng kanilang hiwalayan. Nagkaroon na ako ng asawa’t mga anak ay wala pa ring maituturing na tunay at seryosong syota si Elbert. Kaibigan ko nga si Elbert pero sa aspeto ng pag-ibig ay tila di siya bukas sa ibang tao kahit sa sarili nitong pamilya.


Minsan gumimik kaming dalawa sa isang bar sa Malate. Sinubukan namin ang isang bar na di pa namin napapasukan. Wala kaming kaalam-alam na tambayan pala iyon ng mga discreet na kalalakihan. Nakapag-order na kami ng aming inumin at pulutan ng malaman namin iyon dahil binulungan kami ng waiter kung sino sa mga lalaki sa tabi ng bar ang gusto naming makasama sa table. Nabigla kaming dalawa.



“Trip lang pare, kausapin natin kahit isa lang sa kanila.” ang hamon ko kay Elbert.


“Pare nakakahiya, baka mapagkamalan tayo nyan.” ang tugon ni Elbert.


“Don’t worry pare, wala naman sigurong makakakilala sa atin.” ang sabi ko naman.


Tinawag ko ang waiter at sinabi ko na yung naka-itim na polo ang tawagin niya. Lumapit sa amin ang lalaking naka-itim na polo at


This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.


Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.


UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page