Dalawa sa Dalampasigan (M2M STORY)
- WhisperBoxPH

- Jan 12
- 2 min read

"Parati kang nasa isip ko."
Yun ang bumasag sa ilang minutong katahimikan namin ni Ruben. Pareho kaming nakahiga sa tabing dagat. Pareho kaming walang saplot. Di ko akalaing sa ganito hahantong ang araw na 'to.
Nagsimula ang araw sa mga karaniwang kong gawain. Gigising ng maaga, ihahanda ang mga lambat at bangka at papalaot para mangisda. Bago tumirik ang araw, nakabalik na kami dala-dala ang mga huli namin. Ganyan ang buhay ko, buhay ng isang mangingisda.

Mangingisda si tatay kaya yon na ang kinamulatan kong gawain. Halos dalawampung taon ko na ginagawa ito. Malamang yung mga magiging anak ko, ganito din ang kababagsakan. Sana hindi.
Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nandito. Ilang beses ko nang inisip na lumayo, magbagong buhay sa Maynila. Maraming nagsasabing malayo ang mararating ko. Mautak naman daw ako at may hitsura pa. Sabi nila, sa tindig at gandang lalaki ko, puwedeng-puwede daw akong lumabas sa pelikula. Sa kakasabi nila nun, minsan napapaniwala na tuloy ako. Natatawa na lang ako.

Pero gustuhin ko mang umalis, di ko magawa. May edad na si tatay, at may sakit. Kaming dalawa na lang kaya di ko siya puwedeng iwanan. Ganyan talaga ang buhay.
Padaong na ang bangka nung nanlaki ang mga mata ko. Natanaw ko ang isang pamilyar na mukha! Di ako makapaniwalang nagbalik siya. Nandito ang kababata ko, ang matalik kong kaibigan, si Ruben!
Di ko maipagkakailang siya yon. Matangkad, malapad ang mga balikat at braso, at pogi pa rin tulad ng dati. Tumalon ako mula sa bangka at tumakbo para salubungin siya.
"Ruben! Pare, akala ko nakalimutan mo na kami!" unang bati ko sa kanya.
Yon talaga ang paniniwala ko. Akala ko talaga di ko na siya muling makikita. Hindi ko siya masisisi kung sakali, matapos ang mga pangyayari noon.
Apat na taon na ang nakakaraan. Diyes y sais kami pareho ni Ruben. Matapos ang trabaho sa umaga, mahilig kaming mamasyal at magdiskubre ng mga isla. Dahil kami lang dalawa, nakaugalian na naming maligo at magpahinga sa buhangin ng hubo't hubad
This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.
Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.
UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys unlimited ad-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




Comments