Doon tayo sa Sala (M2M STORY)
- WhisperBoxPH

- Jan 14
- 3 min read

Summer na naman. Syempre uso na naman ang magbakasyon sa province lalo na sa may tabing dagat o kung saan man na may magagandang pasyalan at paliguan. Naalaala ko tuloy noong isang summer vacation na naganap sa isang dati kong staff dito sa opisina ko. Kahit nasa 20s pa lang ako ay supervisor na ako sa isang opisina dito sa Makati. Laki akong syudad kaya wala akong maituturing na probinsya. Pati ang mga magulang ko ay dito na rin namulat sa syudad.
Abril noon ng magplano ang ilang staff ko na magbakasyon sa bahay ng kasamahan nila sa opisina, si Jun-jun. Mabilisan ang pagpaplano kaya napa-oo din ako na sasama at lahat ng lakad ko ng weekend na iyon ay ipinagpaliban ko muna. Biyernes ng gabi ang balak naming pagluwas sa probinsya ni Jun-jun. Kaya pagpasok ko sa opisina ay dala ko na ang mga damit ko. Subalit laking gulat ko ng ang apat pang dapat sasama sa amin ay biglang nagsabing di sila makakasama sa kung anu-anong dahilan.
Parang napahiya si Jun-jun sa ginawi ng apat ng ka-opisina namin. Kaya naman tinanong niya ako kung okey lang kung kami lang dalawa ang tutuloy sa kanila. Pumayag ako dahil alam ko na naghanda din ang daratnan namin sa bahay nina Jun-jun.

5:01 PM ng lumabas kami ng opisina ni Jun-jun. Kotse ko na lamang ang ginamit namin patungo sa kanilang probinsya. Malapit lang naman ito sa Manila kaya bago mag-alas dyes ng gabi ay narating na namin ang bahay nina Jun-jun. Mukhang malayo ito sa kabihasnan at malayo din ang mga kapitbahay nila.
Napapaligiran ito ng malawak na bukirin na ayon kay Jun-jun ay sinasaka ng kuya niya ang ilan doon. Pagtapat ng sasakyan namin sa harap ng bahay nila ay lumabas ang kuya ni Jun-jun. Pinakilala niya itong si Jessie. Ilang saglit pa ay lumabas ang isang batang lalaki na pinakilala namang anak ni Jessie.
Tumuloy kami sa bahay nina Jun-jun at agad kaming inalok ng hapunan ng kuya ni Jun-jun. Fiesta din pala sa baryo nina Jun-jun kaya sa daan pa lang ay makikita mo na ang mga banderitas. Gutom na rin ako sa mga oras na iyon kaya kumain na kami agad ni Jun-jun. Habang kumakain kami ay abala pa rin ang kuya ni Jun-jun sa pagluluto ng iba pang putahe na handa nila sa kapyestahan kinabukasan. Noon ko rin napagmasdang mabuti ng malapitan ang itsura ni Jun-jun.
Di gaanong kagwapuhan si Jun-jun subalit ang mga biloy nya sa pisngi at ang moreno niyang balat ang mapapansin mo sa kanya at masasabi mong tunay na lalaki nga si Jun-jun. Subalit ang kuya niya na batak sa trabahong bukid ay mas higit na lalaking tignan kaysa kay Jun-jun. Mas malaki ang katawan nito kay Jun-jun subalit mas kayumanggi ito. Kahit ganoon pa man ay mapapansin mo na mas magandang lalaki ito kay Jun-jun.

Matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa magkuya na maliligo muna ako. Sinamahan ako ni Jun-jun sa likod bahay patungo sa isang poso dala-dala ang isang gasera. Nagpaumanhin si Jun-jun na wala silang palikuran na may tabing kaya doon lamang sila sa poso naliligo. Tanging ang comfort room lamang nila ang may tabing.
“Walang problema sa akin” ang naisagot ko kay Jun-jun tutal malayo naman ang kabitbahay nila at puro naman sila lalaki sa bahay.
Noon ko naitanong kung nasaan ang asawa ng kuya ni Jun-jun. Nalaman ko na nasa abroad pala ito at naninilbihan bilang isang domestic helper.
Nagsimulang punuin ni Jun-jun ang balde ng tubig. Ako naman ay isa-isa kong inalis ang suot kong damit. Parang napansin ni Jun-jun na nahihiya ako na alisin ang suot kong shorts. Kaya naman nasabi niya na huwag ako mahihiya at kami lang daw dalawa ang nandoroon. Sinabi pa ni Jun-jun na sasabayan na rin niya ako sa pagligo para dalawa kaming hubad doon sa paliguran.
Sinimulan na ring tanggalin ni Jun-jun ang kanyang mga damit. Sa liwanag na naggagaling sa gasera ay napagmasdan ko ang magandang katawan ni Jun-jun. Itinira ni Jun-jun ang puting brief niya pero kapansin-pansin ang namumukol sa harapan ng brief niya. Kahit napansin ako ni Jun-jun na nakatingin sa kanya ay
This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.
Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.
UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




Comments