Gapang (M2M STORY)
- WhisperBoxPH

- 2 days ago
- 6 min read
Updated: 15 hours ago

Masaya kaming naguusap habang nakain ng tanghalian nang aking mga kaklase na sina Neil, Jonjon at Ronnie tungkol sa pagsama namin sa bayan ni Ronnie dahil Fiesta doon sa darating na Sabado. Ako naman si Kenzo, ang pinakamatalik na kaibigtan ni Ronnie.
Ronnie: Mga pards, bukas (Biyernes) ha! Huwag kalilimutan ang lakad natin. Magdala na kayo ng bihisan at diretso na tayo pagkatapos ng klase natin.
Sumangayon naman kaming lahat sa sinabi ni Ronnie.

Matagal na kaming magkakaibigan. Simula first year college ay magkaklase na kami hanggang ngayon na malapit na kaming mag-graduate sa isang unibersidad dito sa Manila. Roommate pa kami ni Ronnie sa isang boarding house na malapit lang din sa aming unibersidad.
Mas close kami ni Ronnie sa kadahilanang magkasama kami palagi dahil iisa lang ang aming tinutuluyan. Kilalang kilala na namin ang pag-uugali ng isat isa. Wala kaming lihim kahit na ano pa man iyon, maganda man o pangit. Subalit mali pala ako. Mayroon pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya at ikukwento ko ang aking dahilan sa naging karanasan ko sa aking pakikipyesta sa bayan nina Ronnie.
Katatapos lang ng mid-term exam namin kaya pumayag kaming sumama sa imbitasyon ni Ronnie na sumama sa kanilang bayan sa Laguna. Pagkatapos na pagkatapos ng aming exam ay kumain lang kami sa school canteen at diretso na kami sa sakayan papunta sa kanila. Halos tatlong oras din ang naging byahe namin simula sa crossing kung saan sumakay kami ng bus hanggang makarating sa kanilang bayan sa Sta. Maria sa Laguna.
Malaki ang bahay nina Ronnie na malapit lang sa munisipyo. Malawak din ang sakop nitong lupa na nababakuran ng ilang patong na hollow blocks kung saan naka kabit naman ang steel matting. Ang harapan ng bakuran ay natataniman ng halamang kampanilya, ito ay kulay dilaw na korteng kampana ang bulaklak at gumagapang sa nakabakod na steel matting. Sa magkabilang gilid naman ay gumagapang din ang halamang patola at ampalaya.

Sinalubong kami ng kanyang kuya at isa isa kaming ipinakilala sa kanya. Siya pala ang kapitan ng kanilang baryo, si Kap Dindo. Panganay sa tatlong magkakapatid, binata pa sa edad na 30. Wala doon ang isa pa niyang kapatid na babae na may asawa na at sariling bahay.
Kap Dindo: Welcome, welcome dito sa amin. Ronnie, pagmiryendahin mo muna ang mga kaibigan mo at mahaba haba din ang biniyahe ninyo at siguradong gutom ang mga iyan. Kalalaking lalaki pa naman.
Ronnie: Opo Kuya. Pasok muna tayo.
Kap Dindo: Kayo na muna ang bahala ha at aasikasuhin ko lang ang aking pinaluluto. Naroon naman si manang at siyang bahala sa inyo. Mamaya ay labas kayo dito at inom tayo ng konti.
Nagpasalamat na kami at pumasok na sa loob. Dinala kami ni Ronnie sa komedor at marami na ngang pagkain sa mesa. Gusto ko ng kakanin kaya iyon ang pinili kong kainin. Gumaya naman sila sa akin at iyon na rin ang kinain. Pagkakain ay dinala kami sa isang malaking silid na may king size na bed at nagpahinga muna sandali. Nagpalit na rin kami ng damit na pambahay. Ako ay naka short na jersey, sando at nagtsinelas na lang. Madaling nakatulog ang aking mga kasama, pati na rin si Ronnie samantalang ako naman ay hindi dalawin ng antok. Namamahay kasi ako
Lumabas ako ng bahay at tinungo ang likoran kung saan piniprepara ang mga lulutuin. Marami naman nagtutulong tulong sa paghihiwa at pagtatadtad ng karneng baboy at manok. Nakita ako ni Kap Dindo at tinawag ako.
Kap Dindo: Inom ka muna kahit isang beer. Nasaan ang mga kaibigan ninyo. Ikaw si, si..(Papitik pitik sa daliri dahil hindi agad maisip ang pangalan ko)
Kenzo(Ako): Kenzo po. (inabot ang malamig na beer.) Salamat Kap. Tulog pa po sila Kap. Napagod yata sa byahe. Ako naman po ay hindi dalawin ng antok. Namamahay kasi ako.
Inaya niya ako sa isang kubo at doon kami nagkwentuhan habang umiinom ng beer. Marami siyang tanong, tungkol sa school, at kung ano ano pa. Pati kalokohan namin ay gustong alamin.

Nagkwento rin siya noong nagaaral pa siya. Marami din siyang kwento, mga kalokohan noong kabataan. Nalaman ko rin na graduate pala siya ng Agriculture at siyang nagaasikaso ng kanilang bukirin. Malawak pala ang kanilang bukid na natataniman ng iba ibang gulay at palay. Kung magtatagal daw kami ay gusto niya kaming isama para makita raw namin.
May tumawag sa kanya kaya saglit siyang umalis. Sinundan ko siya nang tingin. Maganda ang pangagatawan, dahil siguro sa klase ng kanyang trabaho sa bukid. May maliit at katangusang ilong at mapupula ang labi. May kaitiman lang ang balat. Magandang lalaking di hamak kumpara kay Ronnie.
Ronnie: Nandiyan ka pala. Hinanap kita at wala ka sa silid. Sinong kasama mo diyan?
Ako: Kuya mo, si Kap, may tumawag lang sandali sa Kanya. Asan na sila.
Ronnie: Susunod na sila.
Natanaw kong paparating na sina Neil at Jonjon, kasunod si Kap Dindo.
Kap Dindo: Gising na pala sila. May beer diyan sa ice box. Kuha na lang kayo. Mamaya ay ipasyal mo sila sa plaza para maranasan naman nila kung paano mag pyesta sa bayan natin.
Naka tigdadalawang beer lang kami tapos ay naghapunan na kami at nagtungo na sa Plaza. Nilakad lang namin dahil malapit lang naman. Pangkaraniwan din manam ang makikita, tulad din sa ibang pyestahan na napuntahan ko. May perya, ferriswheel, bingo, at kung ano ano pang games. Mayroon ding amateur singing contest sa tabi ng munisipyo. Wala akong kamalay malay na ipinalista ako ni Ronnie sa singing contest. May talent naman kasi ako kahit konti sa pagkanta hehehe.

Umuwi muna kami at sinabi ni Ronnie na mamaya na lang babalik para manood daw ng amateur. Nang nasa bahay na kami ay nagpalit sila ang bihisan at pinagbibihis din ako ng maganda dahil may popormahan daw kami. Bago kami bumalik ay uminom muna uli kami ng beer. Dinig sa lugar namin ang announcer para sa contest at magsisimula na raw at pinalalapit ang mga contestant para ibigay ang minus one sa usb para sa kantang ipanglalaban.
Ronnie: Ito ang kakantahin mo ha Kenzo. Mas may laban ka kung tagalog ang kakantahin mo. Kanta ito ni Basil Valdes na “Ngayon at Kaylan Man.” Pyesa mo ito na kinanta sa contest sa school natin.
Ako: Oo kaya ko nga, pero ano, talo din. Ayoko, maghahasik pa ako ng lagim dito, kakahiya.
Pilit ng pilit ang mga kaibigan ko at naipalista na raw ako at ako daw ang pangatlong kakanta. Nagsimula na ang contest at tinawag na ang unang contestant. Hindi sana nila ako napipilit kung hindi lang dahil kay Kap Dindo na nakiusap sa akin at panonorin daw niya akong kumanta. Napilitan na rin ako dahil kahiyaan na at talagang nakakahiya kay Kap.
Matapos akong kumanta ay palakpakan ang aking mga kaibigan at ilang kasamahan ni Kap. May kasama pang hiyawan kaya napagaya pa ang ibang nanonood.
Umuwi na rin kami at sa bahay na lang daw hihintayin ang resulta dahil aabutin daw iyon ng halos madaling araw.
Sa kubo uli kami dinala ni Kap at itinuloy ang inuman. Panay ang papuri ni Kap Dindo, na katabi ko sa upuan, sa akin dahil napakaganda raw ng aking tinig at siguradong mananalo daw ako. Nakaakbay pa siya sa akin habang pinupuri ako.

Marami kaming tanong sa kanya, tungkol sa sarili niya, sa kanilang bukid, at maging sa pamamahala niya sa kanilang baryo. Mahusay siyang magkwento at talagang makikinig ka. May aksyon pa siya at madalas pang napapahawak sa aking hita at yapos sa akin habang nagkukwento. Kung minsan nga ay nahahawakan na niya ang aking ari. Hindi ko naman pinapansin iyon, walang malisya ika nga dahil sa isip ko ay baka ganun lang talagang magkwento ang kuya ni Ronnie at nagkataong ako ang katabi niya sa upuan. Ang hindi ko alam ay baka napapansin na ito ng aking mga kaibigan, lalo na si Ronnie at baka bigyan ng kahulugan.
Mabilis na nagdaan ang mga oras. Lasing na kami parepareho. Kaya pa naman dahil hinay hinay lang naman kami kung uminom.
Nadinig namin na ia-announce na ang mga winner. Inuna lang ang sa sayaw at susunod na ang sa kantahan. Muli kaming nagtungo sa plaza para hintayin ang announcement. Isa ako sa natawag na winner. Akala ko ay bigayan na rin ng premyo, yun pala ay qualifying round lang para sa final bukas, araw ng kapyestahan.
Balik sa inuman. Pasado alas dose na ng kami’y tumigil para matulog na. Plakda ang mga kaibigan ko at agad na nahiga sa kama matapos makapagpalit ng damit, samantalang nakiligo muna ako dahil init na init ang aking pakiramdam dahil na rin sa nainom na beer.
Pagbalik ko ay tulog na ang tatlo sa kama at hindi na ako magkakasya pa. May nakaready na namang kutson sa gilid ng kama, kumot at unan. Nahiga na ako at agad nakatulog.
Nasa kasarapan na ako ng pagtulog nang maalimpungatan ako dahil sa may kung anong mainit na bagay akong naramdaman sa aking kaselanan
This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.
Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.
UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




Comments