Ibang Klaseng Audition (M2M STORY)
- WhisperBoxPH

- 1 day ago
- 6 min read
Updated: 15 hours ago

Malakas ang ulan ng lisanin ko ang aming opisina. Wala naman napabalitang darating na bagyo ng araw na iyon pero halos buong araw ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan. Sa aking pag-alis sa opisina ay mas lalo naman bumuhos ang malakas na ulan.
Nais ko sanang bumalik sa aming opisina subalit mas ma-trapik ang daan pabalik doon. Kaya naman naisipan ko na lamang dumaan sa malapit na mall upang doon na lamang magpatila ng ulan. Tiyak kasi na mas grabe ang trapik sa dadaanan ko papauwi sa aming bahay.

Ipinasok ko ang aking kotse sa basement parking ng isang mall. Tinungo ko ang ground floor ng mall. Medyo marami ang tao kahit hindi naman weekend. Marahil ay tulad ko rin sila na nagpapatila ng ulan. Gusto ko sanang pumunta sa isang fast food upang makaupo pero hindi naman ako nagugutom. Kaya naman naisipan ko na lang magkape. Pumunta ako sa isang sikat na coffee shop sa may gilid ng mall na ito. Nag-order ng kape at naupo sa silya na may pangdalawahang mesa.
Kakaunti lamang ang tao doon dahil maaga pa nga. Habang hinihigop ko ang kape ay nakatingin lamang ako sa labas. Kitang-kita ko ang labas at malamang ganoon din naman ang mga taong dumaraan sa tapat ng coffee shop dahil clear glass lamang ang pader ng coffee shop.
Maya’t maya pa, sa labas ng coffee shop, ay may tumapat na isang lalaki na tila medyo nabasa ng ulan dahil wala itong dalang payong o jacket ng tumawid sa kalsada. Sa pagpagpag niya ng kayang buhok at damit ay tila ginagawa niyang salamin ang pader ng coffee shop. May itsura ang lalaking ito na medyo may kahabaan ang buhok. Pero kahit medyo mahaba ang kanyang buhok ay bagay naman sa kanya. Neat looking pa rin siya. Napatitig ako sa kanyan habang ginagawa niya iyon. Di nagtagal at napansin niya ang aking pagkakatitig sa kanya. Bigla ko na lamang ibinaling sa iba ang aking tingin at patay malisya ako sa kanya.
Nang muli kong ibinaling ang tingin ko sa kanya ay s’ya naman ang nakatingin sa akin na para bang pinipigilan pa ang kanyang pagngiti sa akin. Sa rection ng kanyang mukha ay ako na tuloy ang tuluyang napangiti sa kanya. Tinuluyan n’ya na rin ang pagngiti sa akin. Sa ngitian naming iyon ay parang nag-usap na ang aming mga mata na para bang nagkasundo kami na pumasok siya sa loob ng coffee shop upang samahan ako sa aking table.

“Hi, I’m James.” ang pakilala niya sa akin sabay abot ng kanyang kanang kamay.
“I’m Carl. Would you mind joining me in this table?” ang alok ko naman sa kanya.
Umupo si James sa upuan at muling nangiti sa akin.
“Bakit ka pala napangiti sa akin kanina?” ang tanong ni James. “Meron bang nakakatawa sa itsura ko?” ang dugtong pa niya.
“Wala lang. Mukha kasing pinipigilan mo ang pagngiti mo sa akin kanina kaya hindi ko na pinigilan ang pagngiti ko sa iyo para hindi ka mahiya na ngitian mo rin ako.” ang pabiro kong nasabi kay James.
“Are you staring ba kanina sa akin? Para kasing nakatitig ka sa akin habang inaayos ko ang sarili ko kanina.” ang tanong naman ni James.
“Ah ganoon ba? Sorry ha. Actually sa salamin lamang ako nakatitig.” ang paliwanag ko sa kanya.
“Ah ok. Nabasa kasi ako ng ulan. Pag-alis ko kasi sa bahay ay mahina lang ang ulan. Nang pababa na ako ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.” ang kwento ni James. “Magkikita sana kami ng girlfriend ko dito sa mall kaya lang bigla siyang nagtext na tinatamad siyang lumabas ng bahay dahil malakas ang ulan.” ang dugtong pa ni James.
“Coffee?” ang alok ko kay James.
“Sige pero ako na magbabayad.” ang tugon naman ni James.
“Ako na lang James.” ang pagpipilit ko sa kanya habang kumukuha ako ng pera sa wallet.
“Wag na Carl. Ako ng bahala.” ang sagot naman niya sabay tayo at punta sa counter upang umorder ng kape.
Maya’t maya pa ay bumalik si James sa aming mesa dala-dala ang kapeng inorder. Hindi siya nagsasalita subalit ang kanyang mga ngiti ay parang may nais itanong sa akin.

“Ano yun James?” ako na ang nagtanong sa kanya. “Para kasing may nais kang sabihin o itanong sa akin.” ang dugtong ko pa.
“Ah, wala yun.” ang tanging tugon ni James.
“Huwag ka ng mahiya. You may ask any question that you want.” ang sabi ko naman.
“Para kasi iba ang tingin mo sa akin kanina noong nasa labas pa ako.” ang panimula ni James. “Are you gay or bi?” ang tanong pa niya.
“Ha ha ha…. Sabi ko na nga ba yun ang itatanong mo sa akin.” ang sagot ko naman. “Well, sabihin na nating bi ako. Pero very discreet ako. At ang nakakapansin lamang nun ay yung mga bi din.” ang dugtong ko ka sabay tawa ng mahina.
“Ah ok. Ganun pala. So ibig mong sabihin, bi din ako?” ang natanong naman ni James.
“Ikaw ang may sabi nyan James, hindi ako.” ang pabiro kong nasabi kay James.
“Siguro.” ang tugon ni James. “Or maybe open minded lang ako or chick-boy na tunay. Yung pwede sa chick, pwede rin sa boy.” ang dugtong pa niya sabay tawa.
“Alam mo mas cute ka kung tumatawa.” ang biro ko kay James. “Pwedeng pwede kang model. Sa built mo at sa height mo, swak na swak ka na maging model.” ang dugtong ko pa.
“Ha ha ha… Actual small time model ako. Extra sa mga tv commercials at sa mga fashion shows. Yun ang work ko now. Minsan meron gig. Pero kadalasan wala.” ang tugon naman ni James.
“Ah ganoon ba. Tama ang pala ang hula ko.” ang sabi ko naman. “Masarap ba maging model? Dami sigurong cute na katulad mo? Ang sarap yatang sumama sa back stage kapag may fashion show kayo?” ang mga tanong ko pa kay James.

“Bakit naman masarap?” ang tanong ni James.
“Syempre makikita ko ang mga model na nagbibihis.” ang biro ko kay James sabay tawa.
“Alam mo bang maraming taong ganyan na isinasama ng mga model tapos bobosohan lang pala ang mga model. Daming nagte-take advantage talaga sa ganyan.” ang pag-amin naman ni James.
“Ganoon ba. So totoo pala yun.” ang tangi kong nasabi.
“Naranasan ko yung worst sa mga ganyan noong nagsisimula pa lamang ako. Hindi lamang pamboboso kundi higit pa doon.” ang salaysay ni James.
“Ano yung sobra pang ginawa nila sa iyo?” ang pag-uusisa ko kay James.
“Ganito kasi yun. Dream ko talaga maging model. So noong nakabalita ako sa isang kaibigan na meron audition para sa mga bagong model ay nag-try din ako. Pagdating ko sa venue ay marami ng nakapila at puro kalalakihan pa. Noon ko rin nalaman na para sa fashion show iyon ng male underwears. Kahit nagdalawang isip ako na mag-audition ay inisip ko na lamang na stepping-stone na iyon sa nais kong career. So nagtyaga akong pumila para makapag-aution.” ang panimulang salaysay ni James.
“Eh di puro cute yung mga kasabayan mo?” ang pilyong tanong ko sa kanya.
“Ikaw talaga. Hindi naman lahat cute. Pero marami ang magaganda ang pangangatawan. Kaya nga medyo kinahinaan ako ng loob. Di naman kasi ako sobrang cute at di rin ganoon kaganda ang aking katawan. Nang time ko na mag-audition ay anim kaming pinapasok sa malaking kwarto na nahahati sa dalawang bahagi ng makapal na kurtina.
Sa kabilang side ng kwarto ay naririnig namin ang mga audition masters na nagbibigay ng instructions sa mga nakasalang sa audition. Pagkapasok na pagkapasok namin sa kabilang side ng kwarto ay nagbigay ng instruction sa amin ang isang bading na hubarin na namin ang aming damit at iwan na lamang ang brief na suot namin.

At yung walang brief ay pahihiramin ng bading. Medyo natawa ang karamihan sa amin sa huling sinabi ng bading. Nahihiya man ako ay sumunod din ako sa instruction ng bading. Buti na lamang at medyo bago pa ang suot kong brief. Yung mga kasabayan ko ay halatang handa sila sa audition na iyon. Halos lahat sila ay bikini brief ang suot na talagang nagpalutang sa kaseksihan nila.
Ako naman ay suot ang ordinaryong puting brief. Naging malikot ang mga mata ng bading sa silid na iyon na para bang sinusukat ang mga ari naming lahat. Nangiti pa siya sa akin matapos niyang makita ang bukol sa harapan ko. Halatang-halata kasi ito sa suot kong brief. Binigyan kami ng numero at nang matapos ang mga naunang grupo sa amin ay kami naman ay isa-isang pinapasok sa kabilang side ng kurtina.” ang patuloy na salaysay pa ni James.
“Humarap kaming anim sa tatlong lalaki
This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.
Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.
UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




Comments