Sa Boarding House (M2M STORY)
- WhisperBoxPH

- 4 days ago
- 4 min read

Maraming beses na rin ako nakakatambay sa isang coffee shop na paboritong tambayan ng mga officemate ko. Hindi naman ako mahilig sa kape pero dahil doon ang madalas nilang puntahan lalo na pagkatapos ng isang gimik ay napapasama na rin ako sa kanila. Kahit ganoon pa man ay hindi pa ako nagpunta doon sa mag-isa lamang. Hanggang sa isang gabi ay napilitan akong pumunta doon hindi lamang para magkape kundi mag-surf sa internet. Nag-oovertime ako kasi isang gabi ng biglang magdown ang internet server sa office namin. Wala na ang mga tao sa IT department namin na nakakaalam kung ano ang dapat gawin sa server namin. Naisipan ko na lamang na pumunta doon sa coffee shop na iyon upang mag-internet. Alam ko kasi na pwede doon mag-internet. Kailangan ko lamang bitbitin ang aking laptop computer. Kailangan ko kasi ma-email sa abroad ang mga ginagawa ko pagnatapos ko na ang ito.
Hindi naman gaanong matao sa coffee shop ng mga oras na iyon. Matapos akong umorder ng kape ay naupo ako sa pinakasulok sa isang mesang pangdalawahan lamang. Doon ang pinili ko para walang makakita sa kung ano man ang ginagawa ko sa computer at para walang istorbo na rin. Di nagtagal ay padami ng padami ang mga tao doon. Halos mapuno ang loob at labas ng coffee shop. Patapos na ako sa aking ginagawa ng biglang may nagpaalam na kung pwede daw siyang maki-share sa table na gamit ko. Sinulyapan ko lamang siya at sinabing okey lang na share kami sa table. Busy kasi ako sa aking ginagawa. Muli ko lang siyang tinignan ng itupi ko na ang computer ko.

“Mukhang busy ka pare.” ang bungad ng lalaking tumabi sa akin.
“Medyo. Kailangan lang kasi ang mga ginawa ko sa principal office namin sa US.” ang tugon ko naman.
Noon ko nalaman ng isang gwapong lalaki ang ka-share ko sa table. Naka-business attire ito at talaga naman maamo ang mukha. May ilan na rin ako karanasan sa same sex at itong kaharap ko ang biglang bumuhay ng aking dugo na maranasan muli ang ganoon.
“By the way, I’m Carl.” ang pakilala ng lalaki.
“What a coincidence. Carl din ang name ko.” ang nasabi ko naman.
Bigla kaming nagtawanan ng malaman naming na magkapangalan pala kaming dalawa.
“Carlito….. Carlito San Juan ang full name ko.” ang pagpapakilala na naman ng lalaki.
“Mine is Carl James Co.” ang pagpapakilala ko naman.
Nagpatuloy ang usapan namin. Pati kung saan kami nagwo-work at kung anu-ano pa. Masarap siyang kausap at nagkapalagayang loob kami kahit noon pa lamang kami nagkita. Naiba ang topic namin ng may naupong mga artista sa isang mesa sa labas ng coffee shop na katapat ng mesa namin. Salamin lamang ang pagitan namin kaya kitang kita naming sila.
“Mahilig ka pala sa mga artista.” ang nasabi ni Carl ng makita niya na panay ang tingin ko sa mga artista.
“Hindi naman.Syempre curious lang ako na makita sila ng personal.” ang pagtanggi ko naman.
Nagtaka ako ng nangingisi siya na para bang may masasayang bagay na naaalala.
“Pare, parang tuwang tuwa ka din sa mga artista.” ang biro ko sa kanya.
“Wala pare. May naalala lang ako tungkol sa tulad nila.” ang sabi ni Carl sabay tawa ng mahina.
Kinulit ko sya ng kinulit hanggang sa maramdaman kong magkwekwento na siya tungkol sa naaalala niya sa mga artista.
“Yang macho na artista na yan. Baka akala lang natin na ganoon talaga siya. Pero sa totoong buhay ay may pagkaberde din ang dugo.” ang nasabi ni Carl sabay tawa.

“Anong ibig mong sabihin?” ang pag-uusisa ko naman.
“Huwag na lang. Parang nakakahiyang ikwento.” ang nasabi ni Carl.
“Ikaw naman ayaw mo pang ikwento ng tuluyan. Eh nasimulan mo na rin naman.” ang pagpipilit ko sa kanya.
Hindi pa rin nagpatuloy sa pagkwekwento si Carl. Parang alam ko na ang nais niyang ikwento. Ang karanasan niya sa kapwa lalaki. Kaya naman ako na mismo ang nagtapat sa kanya na may karanasan na rin ako sa kapwa lalaki. Mas lalong natawa si Carl. Subalit iyon ang naging hudyat upang isalaysay niya ang kanyang karanasan sa isang artista.
Bagong graduate sa college si Carl ng makipagsaparalan siya sa Maynila. Kasama niya ang kanyang pinsan na naghanap ng trabaho sa Maynila. Syempre galing probinsya kaya ang una nilang hinanap ay ang matitirahan. Nakahanap sila ng paupahang kwarto sa may Sampaloc. Dati itong apartment na hinati-hati pa sa maliliit na silid upang paupahan. Ang bungad na silid ang nakuha nilang magpinsan. Sa unang palapag na iyon ay mayroon pang isang silid paupahan, maliit na kusina, palikuran at patuyuan ng mga damit sa may bandang likuran. Sa itaas naman ay may dalawa ring silid na mas malaki kaysa mga silid sa ibaba. Ayaw nilang magpinsan na makisama pa sa ibang boarders doon kaya minabuti na lamang nilang solohin ang bakanteng silid sa ibaba.
Sa unang linggo nila doon ay nakilala nila ang mga nangungupahan doon na pawang mga kalalakihan na karamihan ay mga estudyante. Subalit ang nangungupahan sa katabing silid nila ay hindi pa nila nakikita. Ang paliwanang ng may-ari sa kanila ay isa daw siyang artista. Kapag may ginagawang pelikula ay hindi nakakauwi ng ilang linggo. Sa unang linggo din nila sa Maynila ay nakahanap din ang magpinsan ng kanya-kanyang trabaho. Sa isang call center nakapagtrabaho ang kanyang pinsan. Samantalang siya ay sa isang bangko. Sa araw nagtatrabaho si Carl. Samantalang ang pinsan niya ay panggabi. Halos hindi na nagkikita ang magpinsan ng magsimula silang magtrabaho.
Isang araw sa pag-uwi ni Carl sa tinitirahan nila ay nakaramdam siya ng matinding init. Minabuti niyang maligo agad sa kanyang pagdating. Alam ni Carl na wala pang gaanong tao sa boarding house na iyon kaya naman tinungo niya ang palikuran na naka-brief at nakatapis ng tuwalya lamang. Balak talaga niyang maligo ng nakabrief lamang na hindi niya nagagawa sa araw-araw dahil may kasabayan siya sa palikuran sa umaga. Kaya lagi siyang naka-boxer shorts kung maligo. Laking gulat niya ng pagpunta niya sa palikuran ay may isang lalaki na naliligo na roon. Di niya ito kilala. Gwapo ang lalaking ito at maganda ang pangangatawan. Tanging puting brief ang suot nito
This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.
Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.
UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




Comments