The Cable Guy (M2M STORY)
- WhisperBoxPH

- 3 days ago
- 5 min read
Updated: 15 hours ago

Naka-dalawang beses na rin ako naka-meet ng guy sa coffee shop na nakakwentuhan ko at nagkaroon din ng intimate encounters. Subalit halos araw araw na akong dumadaan sa coffee shop, hindi pa rin ako sinwerte na makatagpo ng pangatlong magkwekwento ng karanasan niya sa sex. Kahit ganoon pa man ay nagtiyaga ako na dumaan palagi sa isang coffee shop bago ako umuwi ng bahay.
Nag-aagaw ang liwanag at dilim ng pumasok ako sa isang coffee shop. Medyo madami na ang tao doon na karamihan ay tulad ko ring yuppy. Pumila ako sa counter upang umorder ng kape. Nang maayos na ang order ko sa serving tray ay agad ko na itong binitbit. Pagtalikod ko ay nasagi ko ang lalaking nakapila sa likod ko. Buti na lamang at agad kong nahawakan ang kape ko kaya hindi ito nabuhos. Agad namang nagpaumanhin ang lalaki kahit ako ang nakasagi sa kanya. Humingi din ako ng pasensya sa kanya bago ako naghanap ng mauupuan.

Puno ang loob ng coffee shop at sa labas na lamang ako nakahanap ng mauupuan. Sinimulan kong higupin ang maiinit na kape ko. Biglang may lumapit sa akin at nagpaalam na makikiupo sa bakanteng upuan.
“P’re, pwede bang makiupo dito?” ang tanong ng lalaki.
“Sure pards. Wala naman akong kasama.” ang tugon ko naman.
“Thanks.” ang sabi naman ng lalaki.
“Namumukhaan kita ah. Di ba ikaw yung nasagi ko kanina?” ang tanong ko sa kanya.
“Oo pare. Pasensya na ha.” ang sagot naman ng lalaki.

“Ako nga dapat humingi ng dispensa kanina.” ang sabi ko naman. “By the way, I’m Carl.” ang pakilala ko sa kanya.
“Nice meeting you Carl. Ako naman si Gary.” ang pakilala ng lalaki sa akin.
Sa loob loob ko ay heto na siguro ang hinihintay ko muli. Ang makakilala ng lalaki na magkwekwento ng kanyang karanasan sa sex. Nagpatuloy pa ang aming usapan upang makuha ko ang kanyang loob. Hindi siya kagwapuhan subalit matikas ang kanyang katawan at maamo ang mukha. Nakamaong pants siya at plain colored polo na may tatak ng kumpanya sa kaliwang dibdib. Kaya naman di niya maipagkaila kung saan siya nagtatrabaho. Sa pagkwekwentuhan namin ay parang may nadiscover siya sa aking pagkatao dahil nahalata niya na pilit kong pinapapunta ang aming usapan tungkol sa sex.
“Mukhang mahilig ka sa sex pare?” ang biglang naitanong ni Gary sa akin.
“Sino ba naman ang may ayaw sa sex. Syempre naman.” ang biro ko sa kanya.
“Sa totoo lang pare, bading ka ba?” ang nakakagulat na tanong niya sa akin.
“Ganoon ba ang tingin mo sa akin?” tanong din ang sagot ko sa kanya.
“Hindi naman. Kaya lang mukhang interested ka sa mga sex experience ko.” ang sagot ni Gary sabay tawa ng mahina.
“Honestly, ako ay isang chick-boy. Pwede sa chick. Pwede rin sa boy.” ang biro ko kay Gary sabay tawa na rin.
Sandaling natahimik si Gary na may ngiti sa kanyang mga pisngi.
“Oh bakit nanahimik ka dyan?” ang tanong ko sa kanya.
“Wala lang. Naalala ko lang kasi yung karanasan ko sa dati kong pinapasukan na kumpanya.” ang tugon naman ni Gary.

Tuwang tuwa ako ng marinig ko iyon. Swerte nga ako sa araw na iyon. Magbubunga na rin ang pagtityaga ko sa coffee shop na iyon.
“So tell me. Anong klaseng karanasan yun?” ang tanong ko sa kanya.
“Yung sa first job ko. Nasa technical department ako noon ng isang cable company at assigned ako para ma-check yung connection ng mga nagko-complaint na subscribers.” ang sagot ni Gary.
“So, anong na-experience mo noon?” ang tanong ko na naman na para bang sabik na sabik malaman ang lahat.
“Minsan lang yun. Nagcheck ako ng complaint ng isang subscriber. Galit na galit ito ng dumating ako sa kanyang bahay dahil nag-leave pa daw siya sa office para may tatao kapag nagpunta kami sa kanila. Matagal na rin kasi ang complaint niya pero noong araw lang na iyon kami pumunta. Nag-iisa lang ako dahil yung kasama ko ay ibinaba ko sa kabilang kalye upang asikasuhin ang isa ring complaint doon.” ang panimulang kwento ni Gary.
“Sa mga picture frame na nasa tabi ng TV ay nalaman ko na may asawa na ang lalaki at anak dahil tinanong ko pa sa kanya kung asawa’t anak niya yung nasa litrato. Sinimulan kong i-test ang TV kung may signal ngang nakukuha. Wala akong makuhang channel. Tinignan ko naman yung connection ng cable sa likod. Ok naman sa tingin ko pero wala pa rin signal. Habang ginagawa ko ang mga iyon ay panay pa rin ang daldal ng lalaki at nirereklamo kung bakit pa sa cable pa namin sya nag-subscribe. Sumunod ay tinignan ko ang connection ng cable mula sa poste sa labas ng bahay.
Mataas pala iyon. Hindi naman talaga ako ang umaakyat sa mga poste kundi yung kasama ko. Pero wala siya doon kaya ako ang mapipilitang umakyat sa may poste. Iniayos ko ang hagdanan namin at bago ako tuluyang umakyat ng poste ay inalis ko muna ang puting polo ko. Hindi pala ako nakapagsuot ng sando ng araw na iyon. Kaya lumantad sa lalaking iyon ang matipuno kong katawan. Regular kasi ako sa gym kaya maganda ang hubog ng katawan ko. Noon ko nalaman na loose connection lang pala ang dahilan kung bakit hindi makakuha ng channel ang kanilang TV.” ang patuloy na kwento ni Gary.

“Pakababa ko sa poste ay pumasok kaming dalawa muli sa loob ng sala. Meron na ngang signal ang kanilang TV. Ang lalaking may ari ay mukhang hindi na galit noon. Napansin ko rin na tila tuwang tuwa siya sa aking katawan. Umadar naman ang kapilyuhan ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko agad isinuot ang polo ko. Nang humingi ako ng tubig ay sinamahan niya ako sa kusina. Habang umiinom ako ay humihingi ng pasensya sa akin yun lalaki na biglang nagpakilala si Art daw sya. Nagtanong ako sa kanya kung saan ang toilet nila upang maka-jingle ako.
Sa halip na ituro lamang niya ay sinamahan pa ako at siya pa ang nagbukas ng pinto. Pumasok ako sa loob ng banyo at si Art naman ay hindi isinara yung pinto. Sa halip na tumalikod ako sa kanya ay nakatagilid lang ako na nakaharap sa toilet bowl. Sinadya kong ipakita kay Art ang aking ari. Ewan ko pero yun ang dinikta ng aking utak ng mga sandaling iyon. Napansin ko na sa ari ko nga nakatingin si Art. Nalibugan ako sa pagkakatitig ni Art sa ari ko kaya naman nabuhay ito.” ang salaysay pa si Gary.
“Pagkatapos kong jumingle at ipagpag ang aking ari ay
This story continuous exclusively in THE PREMIUM HUB.
Readers who unlocked this today gained access to hundred+ Exclusive Stories, Series & Member-only Contents.
UNLOCK ACCESS NOW & join subscribers who enjoys uninterrupted, unlimited ads-free reading, access to early releases & access to Member-only Contents.




Comments