top of page

CHECKING ACCESS...

Premium Subscribers Only

This story is part of the Premium Hub and is available exclusively to subscribed members.

Upgrade to unlock full access to long-form stories, ongoing series, and regular updates.

Full-length, uncensored stories
Ongoing series with weekly updates
Access to all Premium Hub Stories
Members-only contents not shown publicly

Private access. Cancel anytime.

spg tagalog story spg tagalog stories spg stories spg stories tagalog spg story (4).png

Ang Lihim Kong Pag-ibig sa Asawa ng Pinsan Ko
Chapter 3

Sa Gitna ng Katahimikan


Umiling si Althea, pilit itinatago ang panginginig ng kanyang hininga.


“Hindi harsh,” mahina niyang sabi. “Totoo lang.”


Nico stood quietly in front of her door, hawak pa rin ang katahimikang parang ayaw niyang guluhin. May mga tao kasing kapag nagsalita, parang gusto ka lang sagutin. Pero si Nico, kapag nagsasalita, parang nakikinig muna siya kahit wala ka pang sinasabi.


Iyon ang hindi kaya ni Althea.


Dahil sanay siya sa mga taong mabilis manghusga, mabilis mag-utos, mabilis magpahiya. Hindi siya sanay sa lalaking tumitingin sa kanya na parang hindi niya kailangang magpaliwanag kung bakit siya pagod.


“Hindi mo kailangang mag-sorry lagi,” dagdag ni Nico.


Napangiti siya, pero may lungkot iyon. “Reflex na yata.”


“Then unlearn it.”


Madali nitong sinabi. Parang puwede lang burahin ang mga bagay na matagal nang nakaukit sa pagkatao niya. Parang puwede lang kalimutan ang lahat ng hapdi, lahat ng pagliit ng tingin niya sa sarili, lahat ng taon na paulit-ulit siyang tinuruan na huwag maging pabigat.


“Hindi ganoon kadali,” sagot niya.


“I know.” Bumaba ang tingin ni Nico sa tasa ng kape na hawak niya. “Pero puwede namang simulan.”


Saglit silang natahimik.


Sa dulo ng hallway, bukas ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin, dala ang amoy ng ulan at bagong dilig na lupa mula sa hardin. Gumalaw ang kurtina sa likod ni Nico, at sa sandaling iyon, parang may kung anong lumuwag sa dibdib ni Althea.


Hindi siya sanay na may taong nagsasabing puwede siyang magsimula ulit.


Lalo na sa loob ng bahay na hindi kanya.


Lalo na mula sa lalaking hindi niya dapat hayaang maging mahalaga.


“Salamat sa kape,” sabi niya, pilit binabawi ang sarili. “Titingnan ko na ulit ang résumé ko.”


Tumango si Nico. “Send it when you’re ready.”


“Sige.”


Dapat doon na natapos.


Dapat pumasok na siya, isinara ang pinto, at ibinalik ang buong atensyon sa paghahanap ng trabaho. Pero bago pa niya maisara ang pinto, narinig nilang bumukas ang main door sa ibaba.


Malakas.


Biglaan.


Sumunod ang tunog ng takong sa sahig.


Clarisse.


Parang sabay silang napahinto.


Hindi dapat iyon nakakatakot. Wala naman silang ginagawang mali. Isang tasa lang ng kape. Isang simpleng usapan. Isang mabait na tanong.


Pero minsan, ang kasalanan ay hindi nagsisimula sa ginawa mo.


Minsan, nagsisimula ito sa iniisip ng ibang tao.


“Nico?” sigaw ni Clarisse mula sa ibaba.


Napapikit si Nico nang sandali. “I’ll go.”


Mabilis na tumango si Althea. “Oo.”


Bumaba si Nico sa hagdan. Naiwan si Althea sa may pintuan ng kuwarto, hawak ang tasa, ramdam ang init nito sa palad. Gusto niyang isara ang pinto, pero hindi niya nagawa. Hindi niya alam kung dahil sa kaba, o dahil sa matinding pakiramdam na may mali.


“Nasaan ka?” boses ni Clarisse.


“Upstairs,” sagot ni Nico. “I gave Althea coffee.”


Katahimikan.


Mabigat. Matalim. Parang kutsilyong hindi pa bumabagsak pero nakatutok na.


“How thoughtful,” sabi ni Clarisse.


Kahit hindi makita ni Althea ang mukha nito, narinig niya ang ngiting puno ng lason.


“Clarisse,” mababang sabi ni Nico.


“What? I said you’re thoughtful.”


“Don’t start.”


“Don’t start?” ulit ni Clarisse, bahagyang tumataas ang boses. “Ako pa ang nagsisimula ngayon?”


Dahan-dahang isinara ni Althea ang pinto, pero hindi sapat ang kapal nito para hindi niya marinig ang mga boses sa labas. Tumayo siya roon nang ilang segundo, hindi alam kung uupo ba, iiyak, o magtatago.


Hindi kanya ang away.


Hindi kanya ang kasal.


Hindi kanya si Nico.


Paulit-ulit niyang sinabi iyon sa sarili habang inilalapag ang tasa sa mesa. Pero habang binubuksan niya ang laptop, hindi niya mapigilan ang mga salitang nakakarating sa kanya mula sa ibaba.


“You always do this,” sabi ni Clarisse. “You act innocent, pero alam mo ang ginagawa mo.”


“Wala akong ginagawa.”


“Exactly. That’s your talent. You make everything look harmless.”


“I gave her coffee, Clarisse. She’s fixing her résumé.”


“And you needed to personally bring it to her room?”


“She’s a guest in this house.”


“She’s my cousin.”


“Then treat her like one.”


Napahawak si Althea sa gilid ng mesa.


May mga salitang kahit hindi para sa’yo, kaya kang saktan dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasabi. Gusto niyang bumaba at humingi ng tawad. Gusto niyang sabihin kay Clarisse na hindi niya sinasadya. Na hindi siya magiging istorbo. Na aalis siya sa lalong madaling panahon.


Pero alam niyang lalo lang lalala kung makikialam siya.


Kaya nanatili siya sa loob ng kuwarto.


Tahimik.


Nakatiklop ang mga kamay.


Parang bata na muling napagalitan kahit wala siyang ginawa.


Ilang minuto pa ang lumipas bago humupa ang boses sa ibaba. Maya-maya, isang pinto ang marahas na isinara. Pagkatapos, katahimikan.


Ngunit hindi iyon katahimikang payapa.


Iyon ang klase ng katahimikang nag-iiwan ng sugat.


Kinagabihan, hindi lumabas si Althea para maghapunan.


Nagkunwari siyang masakit ang ulo. Totoo naman kahit kaunti. Mabigat ang sentido niya, at mas mabigat ang dibdib. Nagpadala ang kasambahay ng pagkain sa kuwarto niya, pero halos hindi niya iyon nagalaw.


Buong hapon niyang inayos ang résumé at nagsend sa maraming kompanya. May ilan siyang tinanggap na automated reply. May ilan namang wala. Sa bawat click ng send button, parang may maliit na piraso ng pag-asa siyang inihahagis sa dilim.


Pero kahit trabaho ang dapat isipin niya, paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang boses ni Clarisse.


And you needed to personally bring it to her room?


Hindi niya gusto ang pahiwatig. Hindi niya gusto ang pakiramdam na parang may bahid ang simpleng kabaitan.


Mas lalong hindi niya gusto na sa kabila ng lahat, nasaktan siya hindi dahil pinaghinalaan siya ni Clarisse—kundi dahil natakot siyang baka isang araw, hindi na iyon basta hinala lamang.


Humiga siya sa kama, pinilit matulog.


Hindi dumating ang tulog.


Bandang hatinggabi, bumuhos ang malakas na ulan.


Una, mahina lang. Pagkatapos, sunod-sunod na parang may binubuhos na timba mula sa langit. Kumalabog ang hangin sa mga bintana. Kumidlat, kasunod ang mabigat na kulog na yumanig sa buong bahay.


Napabangon si Althea.


Sa probinsya, sanay siya sa bagyo. Sanay siya sa yero na kumakalampag, sa kandilang nanginginig ang apoy, sa mga gabing kailangan nilang magsiksikan sa isang sulok dahil tumutulo ang bubong.


Pero sa bahay na ito, iba ang tunog ng ulan.


Mas malalim. Mas malungkot.


Parang kahit ang mansion ay may tinatagong takot.


Lumabas siya ng kuwarto para kumuha ng tubig. Ayaw sana niyang bumaba, pero tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Maingat siyang naglakad sa hallway. Madilim ang ikalawang palapag, tanging ilaw lang mula sa hagdan ang nagsisilbing gabay.


Paglapit niya sa hagdan, narinig niya ang boses ni Nico.


Hindi ito sumisigaw.


Mas nakakatakot.


Dahil minsan, kapag ang tahimik na tao ay nagsalita nang sobra ang pagpipigil, ibig sabihin matagal na itong nasasaktan.


“Hanggang kailan mo ito itutuloy, Clarisse?”


Natigil si Althea.


Nasa ibaba sila. Sa sala.


Dapat bumalik siya sa kuwarto.


Dapat.


Pero sumagot si Clarisse.


“Hanggang kailan mo rin ipaparamdam sa akin na ako ang kontrabida sa buhay mo?”


“You don’t get to say that.”


“Why not?”


“Because I tried,” sabi ni Nico. “For years, Clarisse. I tried to be patient. I tried to understand you. I tried to protect this marriage kahit wala na tayong pinoprotektahan.”


May nabasag sa loob ni Althea sa huling pangungusap na iyon.


*Wala na tayong pinoprotektahan.*


Hindi ganoon magsalita ang lalaking masaya sa asawa niya.


“Ang drama mo,” sabi ni Clarisse, ngunit may panginginig sa boses nito. “You always make yourself look like the victim.”


“I never said I was innocent.”


“Then admit it.”


“Admit what?”


“That you regret marrying me.”


Katahimikan.


Napakahaba.


Napakasakit.


Mula sa tuktok ng hagdan, hindi gumalaw si Althea. Parang maging ang paghinga niya ay puwedeng makagulo sa sandaling iyon.


Nang magsalita si Nico, halos hindi na marinig ang boses nito.


“I regret what we became.”


Sumunod ang isang malakas na sampal.


Napasinghap si Althea at napahawak sa bibig.


Hindi niya nakita, pero narinig niya.


Malinaw.


Matigas.


Nakakapanlamig.


Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Clarisse.


“Never say that to me again.”


Hindi sumagot si Nico.


“Do you understand?” dagdag ni Clarisse.


Tahimik pa rin.


Pagkatapos, may yabag papalayo. Isang pinto ang bumukas, pagkatapos ay sumara.


Umakyat ang malamig na hangin mula sa ibaba.


Hindi alam ni Althea kung ilang sandali siyang nanatiling nakatayo roon. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi dahil sa lamig lamang, kundi dahil sa bigat ng narinig.


Hindi niya dapat iyon nasaksihan.


Hindi niya dapat alam.


Ngunit paano niya kalilimutan?


Dahan-dahan siyang bumaba.


Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil kailangan niya pa rin ng tubig. Siguro dahil nag-aalala siya. Siguro dahil may bahagi ng puso niyang hindi na kayang magpanggap na wala siyang pakialam.


Sa sala, nakita niya si Nico.


Nakatayo ito sa tabi ng malaking bintana, nakatalikod sa kanya. Sa labas, walang humpay ang ulan. Ang repleksyon nito sa salamin ay madilim at basag sa liwanag ng kidlat.


Nakatingin ito sa labas na parang gusto nitong lumabas sa bagyo kaysa manatili sa loob ng bahay.


“Nico,” mahina niyang tawag.


Hindi ito lumingon agad.


Nang humarap ito, nakita ni Althea ang pulang marka sa pisngi nito.


Napakagat siya sa labi.


“Sorry,” agad niyang sabi. “Hindi ko sinasadya. Kukuha lang ako ng tubig.”


Muli na naman siyang humihingi ng tawad.


At alam nilang pareho iyon.


Ngunit this time, hindi siya pinagsabihan ni Nico.


Pagod na pagod na siguro ito.


“It’s okay,” sabi niya.


Hindi iyon okay.


Pareho nilang alam.


Tahimik na pumunta si Althea sa kusina. Kumuha siya ng baso, pinuno iyon ng tubig, pero imbes na uminom agad, kumuha siya ng ice pack mula sa freezer. Binalot niya iyon ng maliit na tuwalya.


Pagbalik niya sa sala, nakatingin pa rin si Nico sa ulan.


“Inumin mo muna ito,” sabi niya, inaabot ang tubig.


Tinanggap ni Nico. “Thanks.”


“At ito.” Iniabot niya ang ice pack.


Tumingin si Nico sa hawak niya.


“Maliit lang.”


“Hindi maliit kapag masakit.”


Nagtagpo ang tingin nila.


Sa unang pagkakataon, nakita ni Althea na hindi na kayang itago ni Nico ang lahat. Hindi na sapat ang pagiging mahinahon. Hindi na sapat ang pagtayo nang tuwid. Sa likod ng mga mata nito, may lalaking matagal nang lumalaban sa pagguho.


Kinuha nito ang ice pack.


“Salamat,” sabi niya.


Umupo ito sa sofa. Si Althea naman ay nanatiling nakatayo, hindi alam kung aalis na ba siya.


“Aakyat na ako,” sabi niya.


“Althea.”


Tumigil siya.


“Can you stay for a minute?”


Dapat hindi.


Dapat sinabi niyang kailangan na niyang matulog. Dapat sinabi niyang hindi tama. Dapat sinabi niyang baka makita sila ni Clarisse at lalo lang lumala.


Pero sa halip, naupo siya sa kabilang dulo ng sofa.


Malayo.


Ligtas.


O iyon ang gusto niyang paniwalaan.


Uminom si Nico ng tubig. Pagkatapos ay ipinatong ang baso sa mesa. Ilang sandali silang nakinig lang sa ulan.


“Matagal na ba kayong ganito?” tanong ni Althea, bago pa niya mapigilan ang sarili.


Agad siyang napayuko. “Sorry. Hindi ko dapat tinanong.”


“It’s fine.”


“Hindi. Hindi fine. Personal iyon.”


“Everything in this house is personal,” sabi ni Nico. “Kahit ang katahimikan.”


Napatingin siya rito.


Nakatingin si Nico sa ice pack sa kamay niya. May bahagyang ngiti sa labi nito, pero walang saya.


“Hindi kami ganito dati,” sabi niya. “At least, I don’t think so.”


Tumahimik si Althea.


“Clarisse was different when we met,” pagpapatuloy ni Nico. “Confident. Charming. She knew what she wanted. Akala ko, iyon ang pagmamahal—yung pipiliin ka ng isang taong sigurado sa sarili niya.”


“At ngayon?” mahina niyang tanong.


Tumingin si Nico sa kanya.


“At ngayon, hindi ko na alam kung minahal niya ba talaga ako o gusto niya lang manalo.”


Masakit ang katapatan ng sagot.


Hindi iyon sinabi ni Nico para magmukhang kawawa. Hindi rin para siraan si Clarisse. Sinabi niya iyon na parang unang beses niyang narinig ang sariling pagod.


“Nico…”


Umiling ito. “Hindi mo kailangang magsabi ng kahit ano.”


“Pero ang sakit.”


Napatingin ito sa kanya.


Hindi niya alam kung bakit lumabas ang mga salitang iyon. Siguro dahil iyon ang totoo. Siguro dahil sa bahay na iyon, lahat sila nagkukunwaring hindi masakit ang mga bagay na halatang dumudugo na.


“Masakit pakinggan,” dagdag ni Althea. “Kaya iniisip ko, mas masakit siguro mabuhay sa loob niyan araw-araw.”


Matagal siyang tinitigan ni Nico.


Sa labas, kumidlat. Sandaling lumiwanag ang sala. Nakita ni Althea ang marka sa pisngi nito, ang pagod sa balikat, ang lalaking hindi niya dapat gustuhing alagaan.


“I forgot how it feels,” sabi ni Nico.


“Ang alin?”


“To be seen.”


Hindi nakagalaw si Althea.


May mga salitang hindi dapat sabihin nang hatinggabi. Lalo na sa pagitan ng dalawang taong dapat may malinaw na hangganan. Ngunit nang sabihin iyon ni Nico, walang panliligaw sa boses niya. Walang paglapit. Walang intensyong mang-akit.


Mas delikado iyon.


Dahil totoo.


At ang katotohanan ang pinakamahirap takasan.


“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” amin ni Althea.


“Good,” sabi ni Nico. “Then don’t force yourself.”


Muli silang natahimik.


Matagal.


Ngunit hindi mabigat.


Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa bahay na iyon, nakaramdam si Althea ng katahimikang hindi nananakal. Katahimikang may puwang para huminga. Katahimikang walang hinihinging paliwanag.


“Alam mo,” sabi niya, halos pabulong, “noong bata kami ni Clarisse, lagi siyang nauuna.”


Napatingin si Nico.


Hindi alam ni Althea kung bakit niya sinimulan iyon. Hindi niya ugaling magkuwento. Hindi niya ugaling magbukas ng sugat sa harap ng iba. Pero marahil may mga gabi talagang tinutulak ng ulan ang mga lihim palabas ng dibdib.


“Sa school, siya ang palaging may bagong bag. Ako, pinaglumaan niya. Kapag may family gathering, siya ang pinapaupo sa gitna para sa picture. Ako, sa gilid. Kapag may bisita, siya ang ipinapakilala. Ako, taga-abot ng tubig.”


Hindi nagsalita si Nico.


At dahil hindi siya nito pinutol, nagpatuloy siya.


“Hindi naman ako galit noon. Akala ko ganoon lang talaga. May mga taong ipinanganak para mapansin. May mga taong ipinanganak para tumulong sa likod.”


“Althea…”


Ngumiti siya nang malungkot. “Kaya siguro lagi akong nagsosorry. Kasi lumaki akong pakiramdam ko, kahit presensya ko, istorbo.”


Hindi niya napansin na tumulo na ang luha hanggang sa dumampi iyon sa kanyang kamay.


Mabilis niyang pinunasan ang pisngi. “Sorry.”


Napangiti si Nico nang mahina, pero malungkot.


“You just apologized for crying.”


Natawa siya nang kaunti, kahit nangingilid pa rin ang luha. “Reflex nga.”


This time, hindi siya pinagsabihan ni Nico. Sa halip, kinuha nito ang tissue box sa mesa at iniabot sa kanya.


Simpleng kilos.


Walang hawak sa kamay. Walang paglapit. Walang anumang puwedeng bigyan ng kahulugan.


Pero para kay Althea, parang may humawak sa pinakamarupok na bahagi ng pagkatao niya at sinabing, hindi ka mali dahil nasaktan ka.


Tinanggap niya ang tissue.


“Salamat.”


“You don’t belong in the background,” sabi ni Nico.


Napatingin siya rito.


Mababa ang boses nito. Maingat. Pero malinaw.


“Hindi ko alam kung bakit naniwala kang doon ka lang dapat. Pero hindi totoo iyon.”


Hindi huminga si Althea sa loob ng ilang segundo.


Sa buong buhay niya, maraming nagsabi sa kanya na mabait siya. Masunurin. Matiisin. Mapagbigay. Pero bihira ang nagsabi na may lugar siya sa unahan. Bihira ang nagsabi na hindi siya panggilid lamang.


At mula pa sa bibig ni Nico nanggaling iyon.


Ang lalaking hindi niya dapat hayaang makapasok sa puso niya.


Umiwas siya ng tingin. “Huwag kang ganyan magsalita.”


Kumunot ang noo ni Nico. “Ganyan paano?”


“Parang…” Hindi niya maituloy.


“Parang ano?”


Parang mahalaga ako.


Parang nakikita mo ako.


Parang kapag patuloy kang naging mabait, baka makalimutan kong hindi puwede.


Pero hindi niya sinabi iyon.


Hindi niya kayang sabihin.


“Parang kilala mo ako,” ibang sagot niya.


Tahimik si Nico.


Pagkatapos, mahinang sinabi, “Maybe I want to.”


Bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila.


Hindi malakas ang ulan sa sandaling iyon. O baka hindi na lang iyon ang naririnig ni Althea. Ang naririnig niya ay ang sariling tibok ng puso—mabilis, takot, nagmamakaawang lumayo.


Tumayo siya bigla.


“Kailangan ko nang matulog.”


Tumayo rin si Nico, pero hindi lumapit. “Althea—”


“Hindi ito tama,” sabi niya, halos walang boses.


Walang nangyari.


Walang pag-amin.


Walang hawakan.


Pero may mga sandaling kahit malinis sa mata ng mundo, alam ng konsensya mong nagsisimula nang maging delikado.


“Alam ko,” sagot ni Nico.


Mas nasaktan siya sa sagot na iyon.


Dahil hindi nito itinanggi.


Hindi nito sinabing nagkamali lang siya ng intindi. Hindi nito sinabing wala lang iyon. Hindi nito pinagaan ang bigat.


Alam din nito.


Pareho nilang alam.


“Pinsan ko si Clarisse,” sabi ni Althea, mas para sa sarili kaysa para kay Nico.


“Asawa ko siya,” dagdag ni Nico.


Dalawang katotohanang dapat sapat para patayin ang anumang damdamin.


Pero bakit parang lalo lang silang kinulong ng mga salitang iyon?


“Good night,” sabi ni Althea.


Hindi na siya naghintay ng sagot. Mabilis siyang umakyat, halos matisod sa hagdan. Pagpasok sa kuwarto, isinara niya ang pinto at napaupo sa sahig.


Doon, sa dilim ng maliit na kuwarto, hinawakan niya ang dibdib niya na parang kaya niyang pigilan ang puso sa pagkakamali.


“Hindi,” bulong niya. “Hindi. Hindi puwede.”


Ngunit sa unang pagkakataon, ang salitang iyon ay hindi na tunog paninindigan.


Tunog dasal na.


Kinabukasan, nagising si Althea sa sunod-sunod na katok.


“Althea,” boses ni Clarisse mula sa labas. “Open the door.”


Bigla siyang napabangon. Masakit ang ulo niya. Hindi niya alam kung ilang oras lang ang tulog niya, pero ramdam niya sa mata ang bigat ng puyat.


Binuksan niya ang pinto.


Nakatayo si Clarisse sa labas, suot ang pulang dress na bagay na bagay sa malamig nitong mukha. Hawak nito ang cellphone.


“Good morning,” sabi nito. “Slept well?”


Pinilit ni Althea ngumiti. “Medyo.”


“Really?” Tumaas ang kilay ni Clarisse. “Kasi parang ang tagal mong gising kagabi.”


Nanlamig ang kamay ni Althea.


“Uminom lang ako ng tubig.”


“Sa sala?”


Hindi siya agad nakasagot.


Ngumiti si Clarisse, pero mas matalim kaysa dati.


“Althea, cousin to cousin, I’ll give you advice.”


Lumapit ito nang bahagya.


“Maraming bagay sa bahay na ito ang hindi mo naiintindihan. Maraming bagay na akala mo nakita mo na, pero wala ka talagang alam.”


Hindi gumalaw si Althea.


“Hindi ako nakikialam,” maingat niyang sabi.


“Good.” Lumawak ang ngiti ni Clarisse. “Then don’t start now.”


Humakbang ito palapit, sapat para maramdaman ni Althea ang mamahaling pabango nito.


“At isa pa,” dagdag ni Clarisse, halos pabulong. “Huwag kang masyadong maawa sa asawa ko. Sanay si Nico na pinagmumukha ang sarili niyang biktima.”


“Wala akong iniisip na ganoon.”


“Wala pa.”


Namilog nang bahagya ang mga mata ni Althea.


Humakbang pabalik si Clarisse.


“Magbihis ka,” sabi nito, balik sa normal na tono. “Pupunta tayo sa bahay ni Mommy. Family lunch.”


“Kasama ako?”


“Of course.” Ngumiti si Clarisse. “Pamilya ka, di ba?”


Ngunit sa paraan ng pagkakasabi nito, hindi iyon paanyaya.


Babala iyon.


Ilang oras matapos iyon, nasa loob na sila ng sasakyan.


Si Nico ang nagmamaneho. Si Clarisse ang nasa passenger seat. Si Althea ay nasa likod, tahimik, nakatingin sa bintana. Nasa isip niya pa rin ang nangyari kagabi. Ang sinabi ni Nico. Ang sinabi niya. Ang tingin ni Clarisse ngayong umaga.


Walang nagsasalita sa biyahe.


Minsan, mas halata ang sira ng isang pagsasama kapag hindi sila nag-aaway. Kapag nakaupo sila nang magkatabi ngunit parang milya ang layo sa isa’t isa. Kapag ang katahimikan ay hindi pahinga, kundi parusa.


Pagdating nila sa bahay ng ina ni Clarisse, agad silang sinalubong ng kasambahay. Mas maliit ang bahay kaysa sa mansion nina Nico, pero halatang mayaman pa rin. Malinis, magara, puno ng mamahaling dekorasyon.


Sa sala, naghihintay si Tita Maribel.


Ina ni Clarisse.


Ang babaeng buong buhay ni Althea ay marunong ngumiti habang nananakit.


“Althea,” bati nito, nakataas ang kilay. “I heard you’re staying with Clarisse.”


Lumapit si Althea at nagmano. “Opo, Tita. Pansamantala lang po.”


“Dapat lang.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Mahirap masanay sa buhay na hindi mo naman kaya panindigan.”


Parang may pamilyar na kamay na muling pumiga sa puso ni Althea.


Nakangiti pa rin siya. “Opo.”


Nico, who was standing beside her, stiffened.


Napansin iyon ni Tita Maribel.


“Oh, Nico,” sabi nito, biglang lambing ang boses. “You look tired. Clarisse, are you taking care of your husband?”


Tumawa si Clarisse. “Mommy, please. He’s not a baby.”


“Still, ang asawa inaalagaan. Lalo na kung gusto mong manatili.”


Napatingin si Althea sa kanila.


May laman ang sinabi ni Tita Maribel. May bigat na hindi niya maintindihan.


Napansin niyang hindi nagsalita si Nico.


Sa halip, ibinaba nito ang tingin, parang sanay na sanay na sa mga salitang may patibong.


Habang kumakain, naging malinaw kay Althea kung bakit ganoon si Clarisse.


Dahil sa bahay na iyon, ang pagmamahal ay laging may kondisyon.


“Clarisse, bakit parang tumataba ka?” tanong ni Tita Maribel habang naghihiwa ng karne. “Be careful. You’re not getting younger.”


“Mommy,” reklamo ni Clarisse, pero halatang sanay na.


“And Nico, kailan kayo mag-aanak? People are asking.”


Tumigil ang kubyertos ni Nico.


Si Clarisse naman ay uminom ng wine, hindi tumitingin kahit kanino.


“We’re not discussing that now,” sabi ni Nico.


“Why not?” tanong ni Tita Maribel. “You’ve been married for years.”


“Mommy,” malamig na sabi ni Clarisse. “Enough.”


Pero hindi tumigil si Tita Maribel.


“At ikaw, Althea,” bigla nitong baling. “May boyfriend ka na ba?”


Napapitlag si Althea. “Wala po.”


“Wala?” Tumawa nang mahina si Tita Maribel. “Hindi na ako nagtataka. Masyado kang tahimik. Men don’t notice women who hide in corners.”


Bumaba ang tingin ni Althea.


Sanay na siya.


Pero hindi ibig sabihin hindi na masakit.


“Maybe they’re just not looking properly,” biglang sabi ni Nico.


Tumahimik ang buong mesa.


Dahan-dahang tumingin si Clarisse kay Nico.


Si Tita Maribel naman ay nagtaas ng kilay. “Excuse me?”


Kalmado si Nico, pero matalim ang boses. “I said maybe they’re not looking properly.”


Ramdam ni Althea ang pag-init ng mukha niya.


Hindi niya kailangan ipagtanggol.


Hindi niya hinihingi iyon.


Pero ginawa ni Nico.


At iyon ang mas lalong delikado.


Ngumiti si Tita Maribel. “How kind of you to defend her.”


Hindi sumagot si Nico.


Si Clarisse naman ay inilapag ang wine glass. “Althea, can you help me in the kitchen?”


Agad na tumayo si Althea. “Oo.”


Sumunod siya kay Clarisse palabas ng dining area. Pagpasok nila sa kusina, biglang humarap si Clarisse sa kanya.


“Masaya ka?”


Nagulat si Althea. “Ano?”


“Masaya ka na ipinagtanggol ka niya?”


“Clarisse, hindi ko hiniling iyon.”


“But you liked it.”


Hindi nakasagot si Althea.


Hindi dahil totoo.


Kundi dahil natakot siyang baka halata sa mukha niya ang sagot.


Lumapit si Clarisse.


“Makinig ka sa akin,” sabi nito, mababa at mariin. “Hindi mo kilala si Nico. Hindi mo alam kung paano siya magpanggap na mabuti. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin kapag gusto niyang makuha ang loob ng tao.”


“Wala siyang ginagawa.”


“Ganyan din ang akala ko dati.”


May kakaibang sakit sa boses ni Clarisse.


Hindi lang selos.


Hindi lang galit.


May takot.


At doon unang napaisip si Althea.


Ano ba talaga ang nangyari sa kasal nila?


Bakit parang bawat isa sa kanila ay may sariling bersyon ng sugat?


“Hindi ako kaaway mo,” mahina niyang sabi.


Tumawa si Clarisse, pero nanginginig ang labi nito.


“Lahat ng babae nagsasabi niyan bago sila maging dahilan.”


“Dahilan ng ano?”


Hindi sumagot si Clarisse.


Sa halip, tumalikod ito at kinuha ang isang tray.


“Dalhin mo ito sa labas,” utos nito. “At pagkatapos ng lunch, umuwi ka sa bahay. Magpahinga ka. Huwag ka nang masyadong gumala sa sala kapag gabi.”


Nanlamig si Althea.


Narinig ni Clarisse.


Hindi lahat, siguro.


Pero sapat.


Pagbalik nila sa dining area, hindi na halos nagsalita si Althea. Ni hindi niya magawang tingnan si Nico. Ramdam niya ang tingin nito paminsan-minsan, pero pinili niyang magkunwaring abala sa pagkain.


Pag-uwi nila sa mansion, diretso siyang umakyat sa kuwarto.


Hindi siya bumaba hanggang gabi.


Hindi siya kumain.


Hindi siya lumabas.


Tinanggap niya lang ang isang email reply mula sa kompanyang pinag-applyan niya. May interview siya kinabukasan ng umaga. Dapat natuwa siya. Dapat iyon ang pinanghawakan niya.


Pero habang binabasa niya ang mensahe, ang nararamdaman niya ay hindi saya.


Kundi takot.


Dahil kung magkakaroon siya ng trabaho, ibig sabihin makakaalis siya.


At dapat gusto niya iyon.


Dapat iyon ang hangarin niya.


Pero bakit may bahagi ng puso niyang nalulungkot sa posibilidad na hindi na niya makikita si Nico araw-araw?


Napatayo siya at lumapit sa bintana.


Sa ibaba, tanaw niya ang hardin. Basa pa rin ang mga dahon mula sa ulan kagabi. Sa veranda, nakatayo si Nico mag-isa, hawak ang cellphone, nakatingin sa kawalan.


Gusto niyang lumayo sa bintana.


Pero bago niya magawa, tumunog ang cellphone niya.


Isang unknown number.


Nagdalawang-isip siya bago sagutin.


“Hello?”


Ilang segundo ang katahimikan.


Pagkatapos, isang lalaking boses ang nagsalita.


“Si Althea Reyes ba ito?”


“Opo. Sino ito?”


Huminga nang malalim ang lalaki sa kabilang linya.


“Hindi mo ako kilala. Pero kilala ko si Clarisse.”


Tumigas ang katawan ni Althea.


“Ano’ng kailangan ninyo?”


“Sabihin mo kay Nico na hindi pa tapos ang lahat.”


Nanlamig ang batok niya.


“Sino po ba ito?”


Saglit na natahimik ang lalaki.


Pagkatapos ay sinabi nito ang pangalang unang beses niyang maririnig, ngunit hindi huling beses na wawasak sa katahimikan ng bahay na iyon.


“Rafael Sandoval.”


Bago pa makapagsalita si Althea, naputol ang tawag.


Naiwan siyang nakatayo sa tabi ng bintana, hawak ang cellphone, habang sa ibaba, si Nico ay biglang napalingon sa madilim na gate ng mansion.


At mula sa labas, sa likod ng bakal na tarangkahan, may isang lalaking nakatayo sa ilalim ng ilaw.


Basang-basa sa ulan.


Hindi gumagalaw.


Nakatingin sa bahay.


Parang multong bumalik para singilin ang matagal nang inilibing na kasalanan.


bottom of page