WhisperBoxPH
CHECKING ACCESS...
Premium Subscribers Only
This story is part of the Premium Hub and is available exclusively to subscribed members.
Upgrade to unlock full access to long-form stories, ongoing series, and regular updates.
Full-length, uncensored stories
Ongoing series with weekly updates
Access to all Premium Hub Stories
Members-only contents not shown publicly
Private access. Cancel anytime.

Manhid
(M2M STORY)
2013. 2 weeks na since classes started. Still a regular student (regular nadin eyebags and pimples ko. My roommate since first year kasi ay lilipat na ng school, so bale I asked our landlady if I could ask for an extension looking for a new roommate.
Masyado kasing mahal ang rent if ako lang mag-isa. Good timing, a tenant sa fourth floor is looking a for a new roommate na din dahil naggraduate na roommate niya. The landlady gave me a duplicate key at lumipat na ako sa taas.
Hassle lang kasi nasa 2nd floor dati kong kwarto. So ayun paunti-unti paghahakot ko ng gamit. Tagaktak ang pawis ko dahil mag isa lang ako. Inabot ako ng halos dalawang oras para ilipat lahat ng gamit. Books, clothes, boxes of files, foam, bags, drawing table and drawing equipment ko.
The room was pleasant, mas malawak ngunit same lang price. May mini balcony din kaya naman solve na ako. I fixed everything, showered and left for dinner. Double deck bed kasi, kaya automatic na ako yung nasa taas since ako yung bagong lipat which is ayoko at first. Pero ok na rin.
Sa malapit na jollibee lang ako kumain at bumalik na din. I walked in the room kaso bukas na. Andito na pala roommate ko. Nakauniform pa siya.
"uy, kaw ba bagong kasama ko?", tanong niya while unbuttoning his polo.
"yup. John (not my real name)",
Sabay abot ng kamay ko for a handshake.
"Daniel pala pre"
We shook hands
"arki? What year?" tanong nya
"uh. Oo. 3rd year na. Kaw?", napansin siguro niya sa ga gamit ko.
"CE. 4rth yr. Hehe. Kalaban pala kita" pabiro niyang sagot
"haha". Sagot ko.
Hindi niya tunay na pangalan. Syempre. It started fine. We turned out as friends, but not automatically close. Yung simpleng bati lang pag nagkikita sa school. Singpleng "Uy!", or "May kalse pa?", ganun lang. He also told me not to call him kuya. Ganun kasi ako e. Ma-ate, ma-kuya. Mabait naman siya. Minsan nagpapatulong ako sa Math. Madami kasi kaming minor math subjects na walang kwenta. Siya naman game kung tumulong.
Ganun di naman ako sa kanya pag mekailangan. Tunong tulong. Minsan bonding. Sabay kumain lalo na kung weekdays. Pero bihira lang kami magkasama ng matagalan, bihira lang yung gala pangmagdamagan. Siguro na din magkaiba ng course, sched, friends and hobbies. He's the type na palakaibigan. Malakwatsa minsan. Matalino pero minsan talaga may topak. Your typical college-lodi-petmalu. Matangkad. Medyo maputi. Makinis din. Tangos ilong. Tisoy.
Ayokong idescribe lahat sa kanya. Sa pagkaintrovert ko baka idescribe ko pa measurements niya, philosophies, genetics, family history... Haha. Baka mamaya siguro. Balik tayo. Mahilig siya sa outdoor activities at sports. Minsan napagkwentuhan namin ang hilig niyang umakyat ng bundok at maligo sa dagat. Kaya napansin ko yung mga peklat niya binti o sa braso. Kakaakyat daw niya yun ng bundok. Ako naman walang mashare na may sense. Ano nga ba ako? I'm your typical loner.
Eyeglasses, walang suklay ang buhok, walang toothbrush (haha joke). Last sem, half day sched ko every friday. I'm your usual next-time-na kapag may yayaan gumala, nightout or malling. May mga kaibigan naman ako. Konti lang. Minsan tambay ako sa dorm ng kaklase ko, lalo na kapag group study. Most of the time I spend my time reading or watching movies. May malapit na coffeehouse sa apartment namin kaya dun ako nakatambay kapag free ako. Dala ko laptop ko. Wifi, movies...
Hilig ko pa naman mga black and white films. Haha. LOLO nga kung tawagin. Yun buhay ko nung college. Medyo iba siya nung highschool ako. Ganito na ako pero mas naging introvert ako starting college. Ganun talaga siguro kapag probinsyano. Probinsyanong from far far away. Haha. People judge me as maarte dahil english ako ng english minsan. Di talaga ako fluent sa tagalog. Alangan namang mag bisaya ako. Sa phone kausap ko pamilya ko in bisaya.
Minsan yung mga batchmates ko sa highschool nagkikita kami dito sa Manila. We speak bisaya-english. So ayun, di na nasanay kahit 3 years na sa Manila. Pero ngayon, I can say sisiw na ang tagalog. In writing Tagalog, medyo nahasa nadin ako ng konti. Tsaka nagtatagalog din naman kami sa DVO, conyo nga lang.
Mid-sem, medyo naging busy na ang lahat. Pagkauwi ko ng apartment, usually tulog na siya. Ganun din siya. Minsan nadadatnan niyang tulog. One time, maaga klase ko. Bitbit ko lahat ng files at plates ko sa school nang napansin kong may text si Daniel mga 30 minutes na nakalipas.
"Naiwan mo scale" sabi niya
"Patay. Haha. Balikan ko nalang."
"Wag na. Hatid ko nalang. Saan ba room nyo"...
Hinatid nga niya. Kinatuwa ko naman kaso medyo nahiya ako. Di pa naman kami masyadong close e. Pero oks na din kasi di na ako mapapagod bumalik. Walking distance lang naman school at apartment kaso hirap din tumawid.
sumilip sya sa bintana sabay sitsit.
"Uy. Salamat bro. Haha. Na hassle kapa"
"haha may bayad yan."
"haha how much ba"
"di joke lang. sige ah."
Umalis na siya para pumunta sa klase niya. Hassle talaga kasi medyo malayo builing nila e. So ayun kinalabit ako ni Ericka.
"Uy sino yun kapatid mo?"
" Ah just a friend. Bago kong roommate"
"Gwapo ah. Wait. I think sila yung nakikita ko palagi sa DKSI. (teahouse)"
"Uh eh... Ewan. We're not yet that close. Haha. Type mo?"
"Haha. Baliw! Medyo."
Si Ericka ay isa sa mga ka close ko. Bale apat kami niyang nagkakaintindihan sa block namin. Si Ericka yung maganda na medyo... Medyo lang naman eh maharot din. Madaming ka fling. Ganun. Yung dalawang guy naman eh kakosa ko sa Design Subjects.
Umuwi na ako ng apartment. I decided to read my newly borrowed book from my friend. To Kill A Mocking Bird. Luma na siya pero di ko pa nababasa. So ayun. Inabot ako ng 9pm at narealize na di pa pala ako kumakain. Biglang bumukas ang pintuan.
"ambait ng bata ah", si Daniel sabay lagay ng sapatos niya sa shoe rack.
" Ah di naman masyado", napakamot ako sa ulo.
" Classmate mo nga pala. Erick ba yun. Ang weird e lumapit bigla sa kin dun sa DKSI. Haha. Classmate mo daw sabi nya."
" Haha. Iba talaga siya. Kanina kasi sabi niya type ka nun."
" maganda naman sya. Ayus na yun", sabay tawa nya.
" hahaha. Sige kaw na bahala dun", sagot ko.
"Nagdinner ka na?", tanong nya.
"nope."
"Sabay na tayo", yaya nya.
We went ouside. Jollibee or 7/11? Di kami makapagdecide. Haha. Sawa na ako kasi sa karenderia. Araw2 nalang. Sabi niya pizza nalang daw kami. Pumasok kami sa malapit na Domino's kaso walang bakante table. Himala nga eh usually naman walang tao. We decided to walk along espanya. Basta may madaanan lang na trip naming kainan ok na. Ayun kwentuhan.
Natawa sya sakin dahil first time ko daw maging sobrang daldal. Nakilala din niya ako. Madaldal ako kapag comportable ako sa tao. Im very opinionated and rational sa mga bagay bagay. Sabi niya ang weird ko daw pero magandang bagay daw yun. Sabi nga nila, para akong isang barya. May opossite sides. Matured and Childish. Depende kung anong side yung nakaface sa yo. Ahaha. Nalaman ko din sa mga kwento nya yung ibang personal details sa buhay nya. Varsity siya nung highschool. Naka apat na gf.( edi sya na). Doctor mama nya, engineer dad nya pero hiwalay.
Only child din. Kaya naman pala spoiled eh. Sa kwarto branded mga gamit eh. From sapatos to clothes. Gadgets. Ganun. Nanlumo nga bag kong Jansports na kupas na sa Herschel nya. Eh ganun talaga. Na kwento din niya na kinuha nya number ni ericka habang nag aktang nag cr. Si erica naman game din. Alam na this.
Nakwento ko din sa kanya na isa akong malaking weirdo (sabi ng mga kaklase ko). Isang alien sa pamilya at sa klase. Pero cose din naman kami ng pamilya ko. Maykaya naman pamilya ko. I gained a scholarship kaya naman tipid kami sa tuition. Monthly housing and allowance nalang gastos ko.
"NGSB ka no", bigla nyang tanong.
"six gf ko"
"Gago ka sinungaling", patawa niyang sagot
2 seconds tumingin lang ako sa kanya. Nabigla ako nang magmura siya. Hahaha. Nagmunura ako kaso sa isip ko lang. Di ako masyadong nagmumura talaga... Pero ngayon iba na... Hahaha.
"ah. Joke. I got 1 ex gf in Highschool.", bigla akong naging awkward. Ex naman talaga e. Diba ex nadin yun kahit kaMU lang. Well I assumed. Tsaka I consider it as my first heartbreak. Wala nga lang iyakan. Di ako palaiyak e.
"Ah ok kalang?", tanong niya
" Ahaha ok lang. Nagulat lang ako nung sinabi mong gago..."
"Luh. Sorry. Di ko naman--"
"Ahaha ok lang. Nabigla lang. My classmates are even worse. Oks na yun", sabi ko.
Natanong din niya kung bakit daw ako conyo. Explain ko naman yung reason. Ang cute daw sabi niya. Cute? Kaka-asiwa nga eh. Inabot kami ng 10.30pm at tanging jollibee lang ang nadatnan nami. So okay na yun. Walang choice. Walang bakanteng table. Take out nalang. Picture this, habang naglalakad kami sa kahabaan ng espanya, kinakain na namin pagkain namin. Siya yung burger nya.
Ako naman mas hirap dahil spaghetti. Haha. Napatakbo nga kami bigla dahil yung mga batang gala e biglang nagsuntukan. Dalidaling takbo habang bitbit ko spaghetti ko. Sya naman coke nalang bitbit dahil naubos na nya burger nya. Tawanan lang yung nangyari.
"bakit kasi spaghetti pa binili mo pre hirap ka tuloy"
"haha gusto ko lang.", sabay pahid sa mukha ko. Ang dungis ko na.
"ahaha cute mo para kang bata. Teka 17 kapa diba. Accelerated?"
Di ko alam pero natuwa ako. Dahil sa pagtawag niyang cute? Or sa bata ako? Ewan.
"Di. Maaga lang nag kindergarten. Haha. Tara na nga." sabi ko.
Dun nag umpisa yung pagiging close namin ni Daniel. Usually sabay na kaming nagdidinner. Every weekend, gumagala kami o di kaya naman sinasama niya ako sa weekly run niya. Tumatakbo kasi yun. Ako naman eh sige sama lang. One time nanuod kami ng basketball sa MOA Arena. Hiyawan at sigawan. Ako naman, inaanalyze ko paligid ko. Yung structure. Yung seating capacity. Yun yung nangyari. Di ako masports na tao eh kaya di ako masyadong nagenjoy. Since libre naman niya.
"Galing nung game kanina."
"uh yeah. Oo.", pautal kong sagot
"Minsan sama kadin sa barkada ko"
"Uh. Depende.", sagot ko.
Nakilala ko din barkada niya. 7 sila magbarkada. Maingay sila. Asaran at kulitan. Mga yamanin din eh. Nakatambay sila palagi dun sa milktea house. Minsan sinasama niya ako sa mga gala niya. Nightout minsan pero tumatanggi ako. Di naman ako mahilig dun. Naging kaibigan ko din ilan sa mga kaibigan niya. Sa school kami nagbabatian at nauusap paminsanminsan kapag nagkikita. Makulit talaga si Daniel lalo na pag kasama niya mga kaibigan niya.
Sobrang kulit. One time, sabi ni Ed (friend niya), naglasing daw si daniel at nagsuka sa kalsada, umiiyak dahil iniwan ng gf. Medyo natawa naman ako dun. Nagulat lang ako nung sinabi niyang yung sugat ni Daniel sa kamay eh di daw yung sa kakaakyat niya ng bundok. Sinutok daw niya yung pader sa sobrang kalasingan at galit. Ako naman e walang masabe. Anong sasabihin ko? Di ko naman siya majudge as immature. Ang sakit kayang suntukin yung pader. Kaya i didnt say anything. I just nodded.
Aside from crazy unplanned adventures, niyaya din niya ako sa mga akyat bundok niya. First experience ko yung sa Rizal na talaga namang isinumpa ko. I cursed that mountain with all of my soul. Haha. Halfway pababa, bigla akong nadulas at napahiga. Buti nalang di na mabato. Just to let you know, that mountain is hell. Lahat andun na. Bato, putik, tinik, lamok...etc... Maganda view kaso andaming tao.
"Pre ok ka lang", hinabol niya ako. Medyo malayo kasi yung distansya mula sa kanya at sa current position ko. Gulat mukha nya.
"Actually not. I think my ankle is broken." sagot ko. Sira mukha ko nun. Putik plus pawis plus sakit plus inis sa kanya. Magmumura ako. Sshheeet.
Worst thing happened to me. Di ako makalakad ng maayos. Left ankle ko na sprain. He offered me na umakbay nalang sa kanya but I insisted na kaya ko. Kakahiya kasi. Ano ako, pabigat? Mga ilang minuto pa eh di ko na kinya.
"Wag na kasi matigas ulo. Halika akbay na", bigla niyang kinuha braso ko at inakbay sa balikat niya. Ako naman e walang nagawa. Medyo akward lang kasi first time na may umakay sa akin. Oks na yun kasi di ko na kayang bumaba. Dahil may kalakihang tao si Daniel, di siya masyadong nahirapan sa pag-akay sa akin. Hanggang sa nakaraying na kami. Nag linis at nag snacks. Delayed kami ng two hours dahil sa akin. Asar lang. Tulog ako buong byahe. Alas 9 na nang makarating kami ng Greenfield sa Mandaluyong. Dun kasi drop-off naming lahat. We took a taxi and then we went in. Di naman traffic masyado kasi sunday.
"Musta na injury mo?", tanong nya.
"Uh. Ewan. Mamamatay na yata ako bukas. Pakilibing nalang.", pabiro kong sagot
"Balot kita sa karton? Haha"
"lagay mo lang sa Drum tapos LBC mo pa-Davao."
"Sira ka talaga. Patingin nga", hinimas nya ankle ko. Ako naman e medyo nasasaktan sa ginawa nya. Pero ganun talaga kapag may sprain. Pagkarating ng apartment, nauna na akong maligo habang siya naman ay nag aayos ng mga gamit. Naligo na din siya pagkatapos ko. He offered me his bed, kasi nga diba nasa taas ako ng double deck eh may bali ako. Ok naman ako. Sa sahig siya natulog. Kinuha niya foam niya at nilatag sa sahig. Bumili din siya ng ice at nilagayan yung bali ko. Nagpasalamat ako. Bihira ko lang maexperience yung may nag aalaga sa akin. Since I started college, I'm used to being a loner. I got sick and took care of myself. Kapag maysakit ako, ayokong maabala roommate ko noon.
"thanks bro"
"sorry john ah", sabi niya habang inaayos yung ice bag sa paa ko.
"uh for what?"
"For what ka dyan. For this. Nainjure ka tuloy. Kasi ang kulit ko din"
Nahulog nga pala ako dahil sa kakulitan niya. Lam mo yung mga mga dahon na binubulaga niya skin. Nauna kasi ako sa kanya sa trail tapos bigla bigla nalang niya akong ginugulat sabay tapon nung dahon. Di ako takot sa insekto o ahas bastat may distansya lang. Eh kung tumalon naman sayo di kaba magugulat. Eh ako naman kasi first time mamundok kala ko ano na. Relate ba nga first timers?
"Burn in hell dude", patawa kong sagot.
"Haha langya."
"Ok na yun. Forgiven"
"Di nga. Guilty ko sobra. Pano kung mas masama pa nangyari sayo. Patay ako sa nanay mo... Bawi ako next time"
Tapos natulog na kami. What I dont understand is di ko magawang magalit. Maybe i enjoyed the climb kahit sinabi kong sinumpa ko yun. Maybe I found a brother. I brother I never had. Dalawa lang kasi kami magkapatid. Ate ko then nasa abroad siya. So since Highschool wala na siya sa bahay. Ang saya lang ng may kapatid na kaasaran mo. Kakuwentuhan. Minsan inaalagaan ka. Kaya siguro maagan loob ko. Di ko lang siya kaibigan, parang kapatid ko na siya. Umabot na kami sa stage na naghihiraman ng gamit. Medyas, pantalon, polo.
Minsan nga underwear... Pero joke lang. Mahirap nga lang pag damit. Malaking tao siya eh tapos matangkad. 5'10. Ako nasa 5'7 lang. Medyo payat din. Yung tipong katawan ng isang taong tamad. Yun... Minsan nahihiya akong magbihis sa kwarto pag andyan sya. Ang sagwa ko tingnan e. Buti siya eh hulmado yung katawan. Halatang sporty. Eh ako, halatang zombie. Siguro nag iisa kong advantage eh maputi ako. Yun lang din.
Payaka yaka din lakad ko. Sakit sa paa eh. Binilhan niya ako ng gamot pero lunes kasi may pasok ako siya naman eh morning lang klase niya. So ayun, hapon na ng makauwi ako bandang 4pm na. Dahan dahan akong umakyat papuntang 4th floor. It was torture to tell you. What made everything weird eh nasalubong ko si Ericka pababa.
"Uy ericka. Bat ka andito." bigla akong napatanong.
"Uh..eh. may binista lang. Sige bye Johnny", nagmamadali sabay ayos ng buhok niyang medyo magulo. Nagtaka ako. Kasi ito na yung pangatlong beses na nasalubong ko siya dito sa area namin. Last time, din sa labas habang pauwi ako eh nasa kabila pa dorm nila. This time, dito na mismo sa loob ng apartment. So I just ignored that thought. Baka may kaibigan siya dito. So ayun, i went upstairs.
Catching my breath and feeling the pain in my ankle. I opened the door and saw Daniel in his boxers. Uh, what's weird is that the room smelled like strawberry (candy?airfreshener?). Amoy na amoy ko kasi nakabukas aircon. Di naman ako nagulat na nakahubad siya. Ganun kasi siya sa room. Siya nagulat nung dumating ako. May hawak siyang libro at dalidaling nagsuot ng tshirt.
"U-uy. Andito kana pre. Wait lang ha may bibilhin lang ako..." dalidali siyang lumabas.
Ako naman e nagisip. Yung librong yun eh architecture book. Hindi naman yun akin. Sumilip ako ng bintana at dun ko nakita si Daniel na kausap ni Ericka, sabay abot yung libro. Alam na this. Magulo buhok. Amoy strawberry. Magulo yung bedsheet. Ok.
So ako naman, nagbihis pero dahan dahan dahil nadin sa paa ko. Bumalik si Daniel na parang di mapakali.
"It's okay pre. I won't judge you", patawa kong sabi. At nagtawanan kami. Huli sa akto eh. Hindi ko na tinanong kung matagal na ba nilang ginagawa yun. Simula din nun eh si ericka medyo elusive na. Di na kami ganun ka close. Nahiya siguro. Pero sa akin, ok lang naman. Buhay nila yun. Kaso nung una aaminin ko, parang na upset ako nang konti. Konti lang naman. Ewan ko bakit. Siguro dahil yung kinakapatid ko eh may ganun palang ginagawa. ( at nagsalita naman ako...) o baka gulat lang ako. Ewan. Pero nawala din sa isipan ko yun. After nun, mas naging open na si Daniel sa akin. Minsan nagtetext siya. "Pauwi kana? Andito pa ericka eh". Or di kaya naman "Dito ako dorm nila. Maya pa uwi ko."... First e ang weird lang. Pero nakaadjust nadin ako.
Inabot din ng 3 weeks na ganun akong maglakad. Nakarecover na din sa wakas. Habang busy ang lahat sa papalapit na finals. Ako puspusan ang pag aaral. Grabe nadin eyebags ko kakagawa ng plates. Deadline dito. Deadline doon. Bihira nalang kaming magkasama ni Daniel. Busy din siya eh. Nagfocus ako sa studies ko at ganun din naman siya. Minsan di yun umuuwi gawa ng kakagroup study nila. Nahinto nadin yung sessions nila ni Ericka. Ewan. Sabi ni ericka break nadaw sila. Sabi naman ni Daniel di naman naging sila. Ako naman eh, naawa dun sa classmate ko. Asang asa eh. Medyo nainis di ako kay Daniel. Ginagamit lang niya si Ericka dahil libog siya. Pero still, I cannot judge him. (ayokong magjudge eh baka bumalik saken)
4pm nang matapos last exam ko for that sem. I went to starbucks, ordered a capuccino and watched a movie on my laptop. Maya maya eh may umupo.
"Johnny boy. Andito ka na naman", tinanggal ko headset ko.
" Uh, oo. How's your exam?", tanong ko kay Daniel.
"Ah eh. Ok lang. Parang pasado naman. Kaw?"
"Hehe ok lang din"
"Sus. Kaw pa. Baka perfect mo na lahat eh. Nerd ka talaga."
"Nerd ka jan. Gusto mo kape?"
"Libre mo?"
"I mean buhos ko sayo. Haha."
"Sezz", sabi niya at pumunta na siya ng counter at umorder.
Kwento siya na kwento. Ako naman e tango ng tango. Sagot dyan sagot dito sa mga tanong niya. Eh di ako makafocus sa kanya dahil nanunuod ako. Nasabi ko din na umasa sa kanya si ericka. Sabi ko din na masakit yung ginawa niya. Pabiro kong sabi lang para chill. Siya naman eh tawa lang din ng tawa.
"Alam mo pre tama ka... Uy", sabi niya at hinila niya laptop ko
"Haha sorry. Ano nga yun?", tanong ko
"Bat black and white?", nabigla siya dahil nanunuod ako ng lumang movie.
"Uh. My type of movie. Hehe"
"Weird mo talaga. Haha. Pero lam mo ang unique mo. Kung kaugali mo si ericka siguro magugustuhan ko din yun. Maganda naman siya. Kaso eh. Lam mo na..."
"Ah. Huh?", natanga ako sa sinabe niya. Eh kung ako ba ericka magugustuhan niya ako? Haha. Ang gago ko (mura), bakit ko ba natanong sa sarili ko yun. Pero ano bang meron sa akin na nasabi niyang unique. Im an alien. A weirdo. A conyo weirdo to be exact.
"Basta. Di mo yan gets. Palibhasa e nakidit na yang mukha mo sa libro mo. Sometimes pre, learn see the world not in a tunnel vision. Haha english yun. Nahawa ako sayo eh.", sabi niya habang umiinom ng kape.
"Lam ko yun. Remember, Im more matured than you are. Matured ako. Matured ako. Matured ako. Matured ako...", sabi ko.
"Ay ayan naman naman sya. Corny mo talaga."
Tawanan kami nun. Hahaha. Namiss ko yung ganun. Buti nalang e natapos na yung first sem at nagkaroon ulit kami ng chance makapagbonding.
"tara dinner", tayo sya sabay alok
"uh im okay...", mahina kong sagot. Actually I only intended to have a hotdog sandwich sa 7/11 kasi sa makalawa pa allowance ko. May pastarbucks pa kasi nalalaman e.
"Hmm libre ko", yumuko siya tapos nakangiti. Alam niya kasing pagkain lang katapat ko. One saturday, I didnt talk for a week na. Nakatanga lang ako. Namatay kasi lola ko nun. Tapos my family decided na wag na akong umuwi. 4 days lang lamay then exam days pa. So ayun ako. Nagtaka kasi siya kung bakit wala akong imik. Ewan ko ba. Di ko lang trip magsalita nung araw na yun. Tanging "okay lang" o "okay" "no problem" sagot ko. Nag aral nalang ako at siya naman lumabas. Maya maya bumukas pintuan at dun ko naamoy yung... Yung amoy doughnut. Bigla akong napalingon.
"Gusto mo?", tanong nya.
"sure", monotone reply ko
"Eto o." inabot niya doughnut pero pagkuha ko sa kamay niya bigla niyang inangat.
"Galit kaba?", pero patawa lang yung tanong.
"huh?"
"kanina kapa walang imik"
"My lola passed away last night"
Tumabi siya sa akin nun at kinomfort. Inakbayan niya ako. Gumaan naman loob ko. Sanabi ko rin yung reason kung bakit di ako makakauwi. Sa exam week na. Sa sobrang mahal ng ticket. Dami din gastos dun sa bahay.
"uh what are you doing?" tanong ko. This time magkalapit na mga mukha namin which was really awkward.
"eh diba namatayan ka?"
"im okay with the doughnut. No need na yang comfort comfort mo.", inagaw ko yung nakapaperbag sa kamay nya.
"grabe ka wala kang puso. Pusombato ka ah"
"Gago ka haha", hindi ako pusong bato. Awkward lang.
"tapos nagmumura kana ah"
Malungkot yung gabing yun. Pero nakuha ko parin tumawa at maging masaya dahil sa mga maliit na bagay. So balik na tayo dun sa dinner...
"really. Im okay. Medyo busog ako", sabi ko
"libre ko pre. Dami mong dahilan. Tara"
Nauna siyang lumabas at ako naman ay dalidaling kinuha nga gamit ko. Sa ang dami kong dala. BUANGA! I thought to myself. Natawa ako sa sarili ko at tumakbo papalapit sa kanya sabay tanong na "saan?". "shakeys gusto mo. Dun lang para malapit", sabi niya na kinatuwa ko naman.
Kwentuhan. Asaran. Sabi niya kung uwi daw ako this sembreak. Uuwi ako. Flight ko nun is thursday next week bale. Sabi niya bakit daw ako uuwi. Loko, eh andun bahay ko eh. Masaya yung gabing yun. Masarap din pagkain. Ahaha. Umalis kami at dumaan muna ng 7/11 para bumili ng chips. Movie marathon daw kami.
"Eto Pearl Harbor", tinuro ko yung folder na nasa laptop screen ko. "di yan black and white"
"eh luma na yan eh. Wala bang superhero movie jan?"
"Uh, wala eh."
"Bat may princess Diaries ka? Kakaduda kana ah johhny boy"
Kasi crush ko si Anne Hathaway e problema mo...
"Gago. Haha"
Nagkasundo kaming series nalang. So ayun. GOT S1. Meron ako kasin nun. Hihi. Hindi daw niya alam yun, pero narinig niyang sikat daw yun. So ako naman, I was full of enthusiasm to introduce GOT. Nanuod kami. Usap kami na EP1 lang muna. So ayun. Awkward yung mga lovescene dun, eh season 1 sobrang dami dun eh.
"Pota", sabi niya sa scene ni Tyrion at nung Prosting maganda. Ako naman eh natawa sa sabi niya.
"Inocente?", pang asar ko.
"Langya tong movie nato. Gusto mo pala eh porn eh di ka nagsabi. Haha"
"GOT is not porn dude. It's a work of art!!!", sambit ko. Tutuo naman ah.
"Haha ewan ko sayo", balik siya sa panunuod. At dun, nabitin siya sa EP1, so hanggang episode 10 natapos namin isang gabi. Pero dahil napanuod ko na, nakatulog na ako. Bale sa sahig kami eh, dun sa nakalatag na foam, nakadapa kaming pareho magkatabi. Nakatulog ako tapos ginising niya ako almost 4am dahil tapos na daw. Tumango ako at natulog ulit. Lalim ng tulog ko. Imagine for two weeks, I only slept 3-4 hrs per day sa dami ng requirements.
Nagising na ako nung bandang 1pm na. Sobrang sakit ng ulo ko at kinakapa ko yung eyeglasses ko. Pagkapa ko sa kama, bigla akong nagising dahil nakapa ko dibdib niya. Di siya lumipat ng sa kama. Isipin nyo ha, nagkasya kami sa isang single sized foam sa sahig. Buti di siya nagising kasi nakakahiya yung ginawa ko. Baka ano pang isipin niya. Pero pansin ko, ganda ng katawan niya. Naka white tshirt lang siya at nakaboxers, di kasi nagbihis kagabi at hinubag lang yung uniform. Ako naman pumunta ng cr at naghilamos. Pagkalabas ko e gising na pala siya.
"Uy bakit mo ako hinipo kanina"
"Gago ka. Kinapa ko yung glasses ko di ko makita eh"
"anong oras na ba?", tanong niya while rubbing his eyes.
"1pm na eh", sabi ko.
"Good Afternoon", tumingin siya sakin tapos ngumiti.
"Haha good afternoon din", at kumuha ako ng towel.
"thursday alis mo diba?"
"Yup. 9am flight ko"
"Jam naman tayo bago ka uwi", tanong niya. This time, parang ang hina ng boses niya.
"Sure"
That night niyaya nia akong sumama sa barkada nila. Sabi ko naman ayoko kapag mga nightlife or club. Ayoko talaga.
"Kala ko ba jam tayo bago ka alis"
"Eh kilala mo naman ako diba. Those type of places... Eh"
"sige na one time johnny boy. Please...", sabay beautiful eyes. Nagpacute tong loko na to. Ako naman parang nastun sa ginawa niya. Alam kong makulit siya pero first time kasi niyang ginawa yung ganun. Aminado naman akong cute talaga siya.
"Fine. But Im not gonna drink"
"Ayos!"
Dahil mapilit yung barkada ni Dan. Ayun. Nalasing ako. Walang magandang nangyari sa nightout. Ingay at usok lang nadatnan ko. Sobrang antok ko na parang umiikot paningin ko. Inalalayan ako ni Dan hanggang pauwi.
"Ano ayos ba? Nabinyagan ka namin hahaha nalasing ka din"
"What is happening to me"
"Relax ka lang jan. Normal yan kapag tipsy."
"I like this"
"Na malasing?"
"I feel so numb but sensitive at the same time", lakas ng tama ko.
"Wow. Tama na tulog kana haha", tapos pinatay na niya ilaw.
"It's so hot. Can you please turn on the aircon please this is hell", ang init. Tequila pinainom nila sakin. Mga 6 shots lang naman. Sabi nila konti lang daw yun. Ehto halos mahiwalay na ata ulo ko sa katawan ko eh.
"Wait buksan ko aircon"
Di ako agad nakatulog nung gabing yun kahit hilong hilo ako. Actually, i decided na di muna matulog. I want to know how it feels being drunk. Drunk but still conscious. I don't believe other people who tell me na kapag lasing, di alam kung ano sinasabe. I was aware that night lahat ng pinagsasabi ko but hindi ko lang kayang pigilan yung mga gusto kong sabihin. Naririnig ko siyang tumawa. Pinagtatawanan biya ako dahil sobrang daldal ko nun.
"Im drunk. Did you do this on purpose?"
"huh?" tanong niya.
"You planned this. To get me drunk.", sabi ko ng mahina mula sa foam ko sa sahig.
"ahaha oo gusto ko malasing ka para naman ma try mo. Johnny boy ang buhay di lang puro aral. Minsan learn to enjoy."
"Thank You"
"Welcome"
"Thank You"
"Welcome nga"
"Thank You... Thank you...etc..."
Naririnig ko siyang tumawa dahil paulit2 ako. Di ko maexplain yung feeling e. Ganun siguro kapag na-high. Nagising ako bandang 10am. Ako nalang magisa sa apartment. Saan kaya si Dan. Dumungaw ako sa bindana habang minamasahi ko noo ko dahil sa sakit ng ulo. Nainis ako. Nagcrack salamin ko dahil nagulungan ko kagabi. Tiis tiis muna sa blurred vision. Nakita ko si Dan sa baba mula bintana. Siya nga ba yun? Ewan ang labo eh.
Sino naman kaya yung babaeng kasama niya. May inaabot yung babae na paperbag sa kanya. Di ko masyadong maaninag dahil nga ang labo. Nearsighted kasi ako. Ayoko naman isuot yung basag kong glasses baka mabubug mata ko. So umupo ako dun foam at pinikit mga mata ko. Sino kaya yun? Maya maya bumukas yung pintuan.
"Good morning", sabi niya.
"Morning", sagot ko ng mahina.
"Anyare dito"?, tanong niya habang hawak niya salamin ko.
"binasag ko yan kanina may kausap ka kasi sa baba", sabay tawa ko.
"ah? Ganun. Si ericka yun." sabi niya.
"Ah ganun ba", sagot ko. Monotonous boses ko. Kasi masakit ulo ko. Yung kapag nagsasalita ako yung parang walang paki yung tono.
"Ok ka lang?", tumabi siya sa akin.
"Yeah. It's just my head."
"akin na nga", tinanggal niya nga kamay ko sa ulo ko at minasahe yung noo ko. Ako naman eh di nakapagsalita. It was a little soothing pero nahiya ako kasi yung pimple ko kasi sa may kilay nahahawakan niya. Kakahiya. Teka. Bakit naman ako mahihiya.
"Salamat", sabi ko habang minamasahe niya uko ko.
"I'm you brother remember", sabi niya. First time kong marinig yun ah. Nakakagaan ng loob. Napangiti lang ako. Di ko maipaliwanang yung feeling na yun. Masaya. Masarap. Pero ang weird lang din.
"Ganda pala ng mata mo", sabi nya
"I know"
"Macontacts ka nalang kaya para di natatakpan ng glasses mo"
"Ayaw ko", sabi ko.
"Ganda pala ng ngipin mo", sabi niya.
"Thanks. Wala payang toothbrush ah haha", sabi ko.
"Haha try kong ikiss gusto mo hahaha", patawa niyang sabi.
"Loko ka. Kiss mo nalang si Ericka", biglang nawala yung ngiti sa mukha ko at napalitan ng kaba. Di ko alam. Parang nanginig ako sa sinabi niyang iyon. Oo alam kong Joke yun pero di siya magandang joke. Alam nyo na kung bakit. Pero at the same time, parang ewan. Di ko maipaliwanang.
"Ah yun. Sinauli lang niya tshirt ko."
"Ah... K."
"K lang? Ano yun?", sabe nya
"Basta. Tama na. Im hungry. Kain tayo", yaya ko. Para naman matigil na yung awkwardness.
"Tara", tumayo siya at inabot ang kamay ko para makatayo naman ako.
That day sinamahan niya ako papuntang SM. i need a new pair of glasses. So ayun ang laking kaltas sa allowance ko nun pero ok na din. Same design kinuha ko. Yung squarish frame.
"Kuha nadin kaya ako", sabi niya.
"malabo ba mata mo?", tanong ko.
"Di. Haha. Pangporma lang."
"Ikaw bahala."
Nagsukat siya. Kumuha siya nung may coating lens protection nadin kapag nagcocomputer. Kinuha niyang frame sobrang mahal. Nasa 4k ata. Yung design bale silver metal na parang pangluma. Yung mga pangblogger. Ok din bagay sa kanya. Siya nadaw magbayad ng glasses ko pero I declined. Nahiya ako eh. Di ako pumayag. Nakakapanibago lang. Habang naglakakad kami e tingin ako nang tingin sa kanya. Gwapo niyang tingnan sa new glasses niya. Ako naman eh walang pinagbago. So ayun apat na mga mata namin.
"Lapit kanang umuwi ah. Kelan ba balik mo?", tanong niya.
"Mga 8 days lang ako dun. Kaw di kaba uuwi aa inyo?"
"Di na. Bisitahin daw ako ni mama. Tagal mo naman dun", sambit niya habang nakakunot yung nuo, nakatingin sa akin.
"di ako uuwi pero bayaran mo ko. 1k per day kaya?", sabi ko.
"Yun lang pala eh", sabi niya.
"Insane. Joke lang. Hahaha"
Bumalik agad kami ng apartment. Nanuod ng season 2 ng GOT. Sobrang enjoy niya. Ako eh alam ko na lahat eh. Masaya ang mga araw ko bago ako umuwi ng Davao. Bago flight ko, nagtext siya sa akin.
"Ingat ka pre. Mukhang mahihirapan ako matulog mamaya. Haha"
"Pasama ka kay Ericka haha"
"Yoko :("
Di ako nagreply. Inantok ako eh. Nasa plane na ako nun at naset ko nadin phone ko sa flight mode. Nakarating nadin ako ng Davao. Sinundo ako ng papa ko. Hug at kiss. Dumaan muna kami ng cemetery at nagalay ng bulaklak sa lola ko tsaka umuwi. Na miss ang lugar namin. Susulitin ko na bakasyon ko kasi di ako makakauwi sa summer eh. Napansin ko di ko pa naseset phone ko. Nagulat ako sa 4 messages na puro kay Daniel lang galing.
"Uy"
"Johnny Boy lavaboy"
"Take off kana?"
"Nasa dvo kana?"
I replied.
"Sorry I forgot to check my phone. Haha. Here in davao na. Thanks bro"
Mga 4 seconds later
"Great! Pasalubong ko ah"
"Haha durian you want?"
"Haha durian candy cguro"
Magrereply na sana ako kaso nasa bahay na pala kami. Ayun pumasok ako ng kwarto. Kumain muna at nakatulog bigla. Nagising ako bangdang 3pm. Haba ng siesta ko. I checked my phone at ayun 6 messages na naman mula kay Dan. Anyare dan? Wala kang magawa? Miss mo na agad ako? Haha. Kakatawa lang. At ang weird at the same time. Medyo na annoy lang ako din kasi ang daming tanong tapos kakagising ko lang. Di ako nagreply. Naisip kong magreply nalang kinagabihan bago matulog. Haha. La lang trip ko lang.
"good night", out of nowhere nagtext ako
"langya lang oras akong naghintay a. Haha aga mo matulog.", ang bilis magreply. Naghintay daw. Ang weido ni Daniel ngayon. Anong nakain neto. Haha. Namiss ko tuloy bigla.
"sensya na. Im busy with business", sabi ko.
"Cno ba katext mo?", na kinagulat ko naman nang ito ang reply niya.
"Madami. 10 people", sabi ko. Weird na ah. Girlfriend kita? Kulit eh.
At dun di na siya nagreply. So sabi ko sa sarili ko, baka nakatulog na. Pero bakit ganun siya magtext sakin. Eh dati nga di yun nagrereply. Last time I texted him kung nadeliver naba tubig sa apartment, walang reply. Last time I asked if sabay siyang kumain sakin, K lang reply. Nakakapanibago si Dan. Epekto ba to ni Ericka? Bang klase. Pero somehow nag alala ako dahil di parin siya nagreply. So tinext ko siya.
"Dan"
Walang reply
"DAN"
"Ano"
"Anyare sau"
"Ah sorry katxt ko kc si Ericka ngaun pre. Nakalimutan kita"
"Ah ok"
"Ok. Ok lang?"
"Huh?"
"Sabe ko katext ko si Ericka"
"Bro. It's fine. Dont explain."
"BATO KA ATA"
"Im the rock u know that"
"Tulog na ko"
"ok", last reply ko. At di nadin siya nagreply. So i decided to sleep na talaga. Di ko maintindihan ngayon si Dan. May tama ata eh. Baka lasing lang yun. Baka high. Ewan ko dun. Nainis lang ako sa mga text messages niya sakin. Paki ko ba kung katext sila ni Ericka. Bahala siya sa buhay niya...Nagblink phone ko.
"Ok", reply nya
"Ok", reply ko.
Text niya:
Ok
Ok
Ok
K
K
K
"What's your problem?", naasar ako
"Asarin lang kita"
"Childish"
"edi same tau haha"
"Good Night", last reply ko. I turned my phone off and threw it in the couch. Asar lang eh. Tulog na ako. Di ako makatulog din kakaisip sa mga nagyari. Bakit ba ang weird ng lahat ng nagyari after kong malasing. Anong sumpa ba meron yung tequila na yun. SHIT (mura sa isip ko)
I woke up late. Walang klase e. Friday so I decided to go out. Malling lang. Fav place ko kc sa Davao eh... Abreeza. Haha. Yung lang din. Wala lang. Mall lang naman siya eh. Namiss ko lang siguro ang lugar na to.
I ordered capuccino and then started checking my messages. Zero notifs. Zero texts. Wow galing. Nagtaka ako bakit walang text ni Dan. All of a sudden I thought of him. Bakit kaya di siya nagreply. Na offend kaya siya kagabi? Ano nga bang sinabe ko eh wala naman. Siya nga dapat magsorry eh. Bakit naman siya magsosorry wala naman siyang ginawa. Ok text ko siya.
"Danny Boy", gumanti ako kasi palagi niya akong tinatawag na Johnny Boy eh.
Walang reply. So hinayaan ko nalang. I decided to stalk his facebook. Di ko alam basta biglang pumindot kamay ko sa profile niya.
DANIEL SANTOS (di tunay na pangalan) was tagged in Ericka's Photo
Picture nilang dalawa nasa bgc. Bale si ericka nakatayo sa may sidewalk at si Dan nakaupo. Ok so ano yun? Bakit may photoshoot na nangyari. Caption pa ni Ericka ay WEIRDO LOVES WEIRDO. Shit 187 likes eh 3 hours ago pa ah. Binasa ko comments. Nainis lang ako ng konti. Bagay naman sila ah. Si Dan matangkad, may kaputian, maganda katawan. Si Erick maganda. Sexy nga eh. First year eh naging crush ko din minsan si Ericka. Everything changed nung nalaman kong mafling siyang tao (judgemental). Nag logout ako bigla. Pambihira nasira mood ko. Pero bakit?
Nagseselos ba ako? I literally shook my head. Eh bakit naman. Ano bang meron. Ano bang meron sa amin ni Ericka... Sa amin ni Dan...? Napatingin sakin yung barista. Ako naman ay tumayo at umalis na. Ang masakit sa lahat eh naiwan ko kape ko. I went home and watched tv. I took a book and started reading. Walang nangyare kakaisip ko. I logged in and posted BEST VACATION sa wall ko. I waited na may makapansin. I dont know why gusto kong mabasa yun ni daniel. Gusto kong mainis siya sa post ko. Gusto kong malaman niya na masaya ang bakasyon ko at di niya to kayang sirain. Asar ako eh. Ayun after 7 hours, 20 likes lang kawawa. Walang comment. Walang like ni Daniel.
Hanggang sa pagkain, pansin ni Mama yung mood ko. Pero sabi ko walang problema. Antok lang siguro.
Before I went to bed, I checked my phone one last time. Text. Comment. Wala. So natulog na ako. Natapos bakasyon na walang communication samin ni Dan na nangyari. Naging okay naamn din lahat. Nakipagbonding ako sa mga highschool batchmates ko at kinabigla nilang uminom ako ng alak. Isang kaklase ko eh nag bow pa sa gulat. Sabi ko naman eh PEOPLE CHANGE.
MANILA
Enrolled na ako sa wakas. Wala si Dan sa apartment. San kaya yun. I started reading pero wala eh. So i watched a movie hanggang antukin ako. Siesta na naman. Sa sahig parin ako, nakalatag yung foam, nasanay na eh. Nagising ako sa gulat dahil biglang bumagsak yung pintuan. Si Daniel pala.
"Uy. Kahapon pa ako dito ah san ka ba", tanong ko.
"Uh... wala. Kina Ericka", nagmadaling pasok sa cr.
"Ah okay. Sorry ah", sabi ko. Nagtaka din ako sa sinabi ko. Biglaan lang lumabas sa bibig ko yung SORRY.
Natahimik kami ng ilang segundo. Lumabas siya at biglang tumalon sa kama niya.
"Lam mo dapat manuod tayo ng sine.", sabi niya habang nakatagilid paharap sa akin.
"Ah eh. Okay.", nakaupo parin ako this time sa foam. Anyare? Bakit nakangiti tong lokong to.
"Bihis kana", sabi niya.
"Ah yeah. Sure", so tumayo ako, nagbihis. This time, sobrang awkward na ng nararamdaman ko. Papasok ba ako ng cr para magbihis? Bakit naman ako papasok eh harapan naman kaming magbihis dito... Dati.
"Uh, bro. Can you turn around?"
"Huh?"
"Ah wala. Cr lang ako", dala ko damit ko. Dun ako nagbihis. Anyare!
Habang naghihintay ng taxi...
"Enrolled kana?", tanong ko habang nakatingin sa malayo.
"Yup"
"Ah. Nice"
"Yes. Nice"
"Alam mo bang may durian candy ako dun"
"Talaga? Ayus di mo nakalimutan"
"Ah may taxi oh"
"Sya nga pala... Yung bakasyon... Yung..."
"huh?"
"Wala..."
Naging ganun conversation namin. Anyare ba samin. Bakit di na gaya ng dati. Dati eh madaldal ako eh ganun din siya. Ngayon di ko maipaliwanag. Napapansin ko din si Dan ay minsan panay yung ngiti. Pero di siya makatingin sakin ng diretso. May pinaplano ba tong masama o ano. Prank? Ewan.
Habang nasa taxi, sobrang tahimik ko. Ganun siya. Nung nagkataong nagkasabay kami ng salita, dun nagtawanan kami. Sabi ko bakit ang awkward niya ngayon. Sabi naman niya ako naman daw palagi yung awkward. Sa wakas nabasag ang katahimikan. Nagkwentuhan kami. Ako sa bakasyon ko, siya sa bakasyon niya dito. Nakarating na kami ng SM wala paring tigil kwentuhan namin. Namiss nga namin isat isa. So ayun, wala naman akong imik nung nagkwento siya tungkol sa kanila ni ericka. Yung picture pala, bale kapatid ni ericka nagbebenta ng damit online. Sila pa yung model. Ako naman ay nakahinga na maluwag. Ewan. Siguro dahil kilala ko si Ericka at ayokong magkatuluyan sila. Yun lang naman siguro dahilan ko.
Habang nakapila kami, napansin kong may lalaking tingin tingin sa akin. Ako naman eh minsan napapatingin din. Hanggang sa maalala ko kung sino siya. Siya yung sa Megamall. Siya yung sa introduction ko. Kaya nang maalala ko, di na ako tumingin ulit. Labis ang kaba at pawis ko nun. Lumapit yung lalaki at biglang nagsalita. Tinanong niya ako kung game daw ako. Hindi ako nakapagsalita. Nasemento ata ako.
"Ito ba ka fuck mo ngayon? Gwapo ah. Threesome kaya tayo...", sabi nung lalaki.
Halos matunaw ako sa hiya at di ako nakapagsalita nun. Shit shit shit talaga nasa isip ko..
"Sino ka ba? Anong bang kelangan mo? Tanong ni Dan.
Biglang lumayo yung lalaki. Ayun naiwan kaming dalawa. Tinanong ako ni Dan kung okay lang ako. Di ako nakapagsalita.
"Wag ka matakot. May mga taong ganun dito madami", sabi niya habang nakahawak kamay niya sa isa kong balikat.
"Bro... Bro... ", nanginginig ako. Hindi ko kayang magsinungaling. Hindi ako nakapagisip ng maayos nun at niyaya siyang umuwi. So nakauwi kami. Walang imikan sa taxi. Ako nakatingin lang sa labas.
"Johnny boy di ka okay ah. Anyare ba?", tanong niya.
Umupo ako. Siya naman nakaluhod yung isa niyang tuhod kaharap ko. Biglaan. Wag pagdadalawang isip. Sinabe ko lahat. Lahat lahat.
"Dan. I dont know what happened. First time in Manila. First year... Dan... ( I started crying)... you know. I will tell you right now. Somehow I got lost. I didnt understand myself. For the longest time I didnt understand myself. You know I had a gilfriend right? It's true. I wast lying. But you see I grew up very differently. I was 16 then. I dont know. Someone just winked at me. And I followed him. That guy Dan... We had sex. It was really really impulsive and stupid. I didnt even know why I did it..."
Napaupo siya bigla sa sahig. Gulat na gulat habang ako eh pinupunasan ko luha ko. Biglang gumaan feelings ko ng bahagya. Sa wakas, naipalabas ko din yun. Sobrang bigat nun. Pero mas mabigat sumunod na nangyare. Tumayo siya at tumalikod. Humarap sakin at tumalikod ulit.
"Pota", sabi niya habang hawak niya ulo niya. "Potangina. Pre kaibigan kita. Kapatid pa turing ko tapos ganto pala... Shit..."
Di ako nakapagsalita pakiramdam ko mali ata ginawa ko.
"All this time pre. Pakiramdam ko natraydor ako eh. Shit naman oh"
Mali nga ginawa ko. Kala ko gagaan lahat dahil sinabi ko yun sa kanya pero hindi. My heart seemed burning. Beating endlessly like hell. Grabe di ko yun kinaya. No words could ever describe how fucked up my feelings were that time. I stood up got my wallet ang my cap.
"Yeah I'm fucked up. A fucking shit.", sabi ko sabay labas, bagsak ng pinto. Shit lang talaga. Yun yung time na yun na labis na akong magmura di lang sa isip ko. Wala na akong pakialam kung ano man hitsura ko. Blurry nadin glasses ko dahil sa sobrang iyak ko. Sumakay ako ng taxi. Shit lang talaga. Ang sakit eh. Shit din dahil 800 nalang pera sa wallet ko at naiwan ko atm ko sa bag. Shit.
Pumunta ako ng ortigas. Sabi ko sa kaklase ko nung highschool yung nangyari. Siyempre ibang kwento. Nagdahilan lang ako. Sabi ko eh nagaway kami ng roommate ko dahil pinagbintangan niya akong nagnakaw ng pera niya. So ayun dun muna ako natulog sa condo niya. Dalawa naman sila sa condo kasama kapatid niya. 2 days din ako dun. I decided to transfer to another apartment. Bahala na. Kunin ko lang gamit ko at lipat na ako. Bahala na. Yun lang naisip ko.
Bumalik ako after two days. Pinahiram ako ng damit. So pagdating ko ng apartment bandang 4pm, nagisip muna ako ng mga ilang minuto habang nakatayo ako sa harapan mismo ng pintuan. Sige. Ok na. Pasok na ako.
Binuksan ko yun. Kung ano hitsura ng kwarto pag alis ko ganun din naman ngayon. Naiba lang eh may apat na beer cans sa table. Nakita ko si Dan natutulog sa sahig. Sa foam ko, nakataob sa unan ko. Shit. Ito na yung shit na tao. Mangangamoy pa unan ko eh. Inayos ko gamit ko ng dahan dahan para di siya magising. Inisip kong lasing siya kaya nagmadali ako. Baka bugbugin pa ako paggising nito eh. Habang nag-aayos ako, napansin kong may nakabalot na panyo sa kanang kamay niya.
Kulay yellow yun eh kaso may mantsa. Dugo yata. Ang baho nadin. Amoy alak. Tumingin ako sa cr baka kasi may suka. Shit lang din kapag meron. Pero wala naman. Napansin kong may konting yupi sa pintuan. Parang may bumaon na kung ano. Isipin mong kahoy pintuan sa kwarto. May yupi. Naisip ko agad kung saan nanggaling yung sugat niya sa kamay. Agad akong nagmadali. Bahala na. Baka ako yung maging punching bag niya mamaya.
"Oh... Pre. Andito kana pala... Di mo man lang sinabi. Sorry ang kalat. Sorry di ako nakapaglinis e. Sensya na. Kumain ka na ba... Teka anong oras na ba..." pautal niyang sabi habang bumabangon. Ako naman, di na humarap. Pinagpatuloy ko pagaayos ko ng gamit. Labis ang kaba ko.
"Ah bro. I found a new apartment. Malapit lang. Don't worry, I'm leaving tonight." di ko alam pero ngumiti ako. Pekeng ngiti. Yung bitter na ngiti. Yung smirk na bitter.
"Ah. B..bakit. bakit ka naman aalis"
"Haha. Don't worry. I'm okay. It's for the best."
"Pre wag. Di mo kelangan gawin to", umupo siya sa tabi ko.
"Bro. What happened last day... (Humarap ako ng nakaupo din sa sahig)... Actually di ko kailangang mag explain eh pero. You told me yourself. I was your friend. Or brother. I grew up differently as I have said. I got curious. I got confused too. I know who I am now. But that time I wasn't thinking. I regret it until now. For many days I had panic attacks. I don't know why. Maybe because it was wrong. Who knows why. All I know is that I regret it. Never in my life will I ever do it again. No. But I'm leaving because I can't live like this anymore. Especially with you..."
"John..."
"And I completely understand you. I understand you. Nasaktan lang naman ako eh. Pero ayus na yun (pinipilan ko luha ko), even before I was already a loner. I can live alone. Don't worry.", nag thumbs up ako.
Shit talaga. Di ko alam kung bakit naging madrama buhay ko bigla. Sino ba dapat sisihin. Ako lang naman...
"Pre... Favor naman oh. Bago ka umalis. Gamutin mo naman sugat ko.", out of no where niyang sabe. Huh?
"uh.. E. Sure. Come here", tumayo ako at kumuha ng alcohol sa cabinet. I untied the handkerchief. Pasa at sugat. Mostly pasa. So ayun diretso ako. Kumuha ng alcohol, nilinis. Dahil mahapdi ang alcohol, sabi ko nalang sa kanya na hugasan namin kamay niya tsaka balutin ng bagong panyo. Wala kasing bandage e. Wala din akong alam sa first aid.
"there you go", tinali ko yung panyo. Hindi ako nakapagsalita dahil bigla nalang... Niya akong niyakap... Nang mahigpit.
"Mapapatawad mo pa ba ako?", tanong niya. Nararamdaman kong umiiyak na siya. Pigil ang iyak pero ramdam ko.
"Dan... Uy", shit din reaction ko eh. Galit ako oo aminado ako pero di ko maintindihan. Inawat ko siya pero ayaw niyang bumitaw eh. Mas humigpit pa yakap niya.
"Wag ka umalis please. Sorry di ko sinasadya"
"Wag ka umalis. Sobra na ang dalawang araw. Wag mo nang dagdagan.", wala na. Iba na naramdaman ko sa oras na yun. Saya. Galit. Saya. Awa. Saya. Masaya ako. Ewan ko kung bakit. Masaya ako.
"Ok na yun. Forgiven", sabi ko. Tutoo.
"Wag ka umalis please"
"Dan. Ano bang nangyayari sayo"
"Nagalit ako sayo. Oo nagalit ako. Pero mostly galit ako sa sarili ko. Putangina naman ang gago ko. Sorry..."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako gumanti ng yakap. Nararamdaman kong sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Kaba. Di ko alam. Basta kaba. Kilig. Kilig kasi nagsorry siya. Kilig kasi niyakap niya ako.
"Gagawin ko lahat para mapatawad mo. Wag ka lang umalis. Miss na miss na kita sobra. Di ko alam kung bakit pero ayoko umalis ka. Wag kang umalis please..."
Okay. Inlove ba siya sa akin? Ang tanong na ngayon ko lang napagtanto. Si Dan. Na kaibigan ko. Na kapatid ko. Lalaki siya. Lam ko yun. Pero sa ginagawa niya ngayon. Ah basta. Nonsense thoughts. Di ko maintindihan. Baka naman kasi nagsisi lang siya. Please wag kang ganto Dan. Wag naman. Mas komplikado to kapag ganun.
"Dan. Tama na. Di na ako galit" tinapik ko likuran niya para matigil yung paghikbi.
"Ganyang kaba kabato Pre?"
Wala akong sinabi
"Wala ka man lang ba sasabihin?"
Wala.
"Tangina naman oh. Ano ba pre!?"
Eh ano nga?
He kissed my lips.
1.2.3.4.5.
Hindi ko alam kung ilang segundo yun. Nanlaki mga mata ko sa nangyari. Kiss yun oo. Kiss niya. Kiss namin. Kaya ba ayaw mo ko umalis Dan. Kaya ba nabasag mo kamao. Kaya ba ang kulit mo sa text. Kaya ba nilasing mo ko. Kaya ba iyak ka ng iyak ngayon. Fuck.
"What... Did you do"
"Ganyan ka ba ka manhid ah. Kala ko ba ikaw mas matured satin dalawa. Kala ko ba matalino ka. All this time di mo napansin"
Ano nga bang sasabihin ko. Wala akong sinabi. Sumandal ako sa pader. Tumabi na naman siya. Nakayuko ako at nakatanga. Niyakap ko tuhod ko. Di ko alam kung ano nangyari. Gusto ko ba? Hindi? Oo? Di ko alam.
"John. Sasabihin ko. Oo naiintidihan kita. Yung ginawa kong yun wala yun. Wala yun sa ginagawa ko. Sa mga GF ko. Kay Erika. Especial ka sakin. Ayoko mawala ka. Mahal kita."
Nagisip isip ako ng sasabihin. Pero blanko.
"I don't know what to say"
"Okay lang. Di mo kailangan magsalita. Di mo kailangan suklian yung feelings ko. Pero wag ka lang umalis. Please..."
"Okay..."
"Salamat." tumayo siya. Naghilamos at nagbihis. Nagpaalam siyang lumabas muna. Gabi na at di parin bumabalik si Dan. San kaya yun. Habang ako, nakatanga at nag iisip. Mahal ko din ba siya? Di ko alam. Oo aaminin ko. Lately naappreciate ko siya. Tawa niya. Katawan. Magiging ipokrito paba ako kung sasabihin kong di siya attactive? Pero ayoko. Dahil siguro sa trauma ko kaya naging ganto ako. Kaya kong maging manhid. Kaya kong maging walang imik at ignorante or walang pake.
Nakaya ko yun. Takot ako baka katulad lang din to nung nakaraan. Ayoko na. Mahirap. Mabigat sa puso. Baka di ko na kayanin. Pero mahal ko din yata siya. Siya lang nagparamdam sakin ng ganto. I claridfied to myself. Masarap sa pakiramdam yung yakap niya. Not in a sexual way, but in a REAL way. Yung honesty. Yung truth. Yung love. Maybe all this time I'm inlove with him. Takot lang ako aminin. Takot lang ako makita yung tutuo na mahal ko din siya. Di ko alam kung kelan nagsimula. Basta ngayon, alam ko mahal ko siya.
I texted him...
"Where are you?"
Di nagreply so I decided to go out and then... Hala, natulog pala ang loko sa labas. As in sa tabi lang ng pintuan. Di ko napansin kasi di ako lumabas kanina e
"Pre. Okay kana?"
"Ah yeah. Bakit ka ba andyan. Pasok ka na nga", alok ko.
"uh sige"
Pumasok siya at ako naman di mapakali. Pumunta siya sa lababo para hugasan kamay niya at maghilamos. Tanging kaliwang kamay niya lang gamit niya. Ako, sa di ko alam na dahilan. Lumapit at niyakap siya mula sa likod. Ilang segundo din yun. Humarap siya sa akin at niyakap ulit ako.
"I love you", sabi ko.
It went on for minutes. Yakapan lang. Walang usapan. Natulog kami nagkatabi habang yakap2 namin isat isa. Di ko maipaliwanang ngunit ang saya ko sa gabing iyon. Yung roommate ko na naging kapatid ko na naging... Ewan ano bang tawag sa amin. Basta ang mahalaga e yung feelings namin sa isat isa. Mahal niya ako. Mahal ko siya. Yun mahalaga.
Naging super close na kami ni Dan after nun. Naghanda na kami for the start pf the second sem. Firat day eh nagkataon parehong 8am klase namin. So sabay kaming gumising, kumain at pumasok ng school. Bago kami lumabas ng kwarto, kiniss niya ako. Hinawakan kamay ko at ganun din ako. Kaso di na kami naghawakan ng kamay sa labas. So ayun...
Dec 16. Nagising nalang ako eh ako lang mag-isa. San kaya si Dan. Teka, birthday ko nga pala ngayon. Nakalimutan niya ata.
Inayos ko na yung pinagtulugan ko (namin) at naghilamos. Inayos ko din gamit ko kasi may pasok ako sa hapon. 12.30pm at kailangan ko na umalis dahil may pasok ako. San kaya si Dan. Umalis na ako at pumasok. Di ako nakapagconcentrate buong klase kakaisip kung san na kaya siya. Kung naalala ba niya. Baka nakalimutan niya na birthday ko.
Natapos ang klase at ako naman ay umuwi. 7.30 na yun at wala akong ganang kumain. Binuksan ko pintuan ng kwarto at pumasok. I turned off the lights and then...
"Happy Birthday pre!", Si Dan sabay tayo sa pagkakaupo. Na sahig naglatag siya ng mat. May cake at pizza. May 3 libro then siyang nilagyan ng ribbon. Tapos yung laptop niya nakabukas, teka VLC player pala nakapause. Nakapause ang isang BLACK and white movie. Sabi niya movie marathon daw kami. Na touch naman ako sa ginawa niya.
"Kala ko nakalimutan mo na", hinubad ko sapatos ko at umupo nadin sa latag kaharap niya.
"Makakalimutan ko ba yun", sabi niya.
"Heto, wish ka muna", sinidihan niya yung kandila sa cake.
"uh. Ano bang wish ko"
"kaw bahala"
"I wish... i wish to find true love"
"Loko ka ah. Eh andito na ako"
"Haha joke lang"... "Bro. Thank You talaga. Wish ko? Ano bang wish ko. Andito kana. It's more than enough", sabi ko habang nakatingin sa cake.
"ahem... (na blanko siya) mukhang gutom ka na ata. Kain na tayo", sabi niya.
Kumain kami at nanuod ng movie. Kakagulat kasi siya mismo pumili at nagplay ng movie. Napanuod ko na yung movie. ALL ABOUT EVE. I lied ng sinabe ko na hindi pa. Nageffort kasi siya ayokong masira mood niya. Weirs lang niya minsan sinusubuan niya ako na para akong bata. Haha. Sabi niya cute ko daw eh. Dan, salamat.
After ng lahat ng yun, magkatabi parin kami, this time ibang movie naman. Nakayakap yung isa niyang braso sa akin at ako naman nakasandal sa kanya. This time may iba na...
Ok di ko na idedetalye lahat. That night was the best night of our lives. Lam nyo kung bakit. Hihihi. Sensya na di ako marunong magkuwento ng mga erotic stories eh kaya di ko na idedetalye yung nagyare. Basta we kissed at dun na lahat nagsimula. Isa lang maibabahagi ko sa inyo sa nangyaring yun. May sinabi siya... AKO BAHALA. AALAGAN KITA.
Nasundan pa yun ng madaming dates and lovemakings. Away na din. Pero we did our best keep our relationship going. Chill lang kasi kaming pareho. Hindi namin pinupush yung di dapat and enjoy lang kami kung anoglng meron samin. Kahit busy, di namin kinakalimutan ang isat isa. Tumagal din kami hanggang sa nag graduate siya. Months later nakapasa siya ng board exam at saktong nakatanggap ng offer to work abroad. Ako naman eh. Heto. Sobrang haaaabaaaa na talaga kaya jump off na tayo.
Present
Nasa Dubai parin ngayon si Dan. Ako naman e andito parin. Kakapasa ko palang ng board exam this Jan 2018. May communication naman kami. Videocalls and chat. Cool off/chillmode kami parin hangang ngayon. Bago siya umalis, I gave him freedom to do what he wants. He might find another person out there. Di ko siya pipigilan. I told him that I will wait pero sabi ko din na malawak mundo. Kapag gusto na niyang bumitaw, ok lang kakayanin ko. Sabi naman niya hindi siya bibitaw. So ayun, uwi siya ng pinas next year. Di ko alam anong gagawin ko. Excited ako. Sobra. Makikita ko na ulit siya. Mahal ko parin siya.
Salamat sa pagbabasa!
THE END.